Biktima ng rape ang anak

Dear Vanezza,

Tawagin mo na lang akong Linda, isang ina. Ang problema ko ay tungkol sa anak kong babae na graduating na sa high school. Biktima siya ng rape. Minsang ginabi siya ng uwi dahil dumalo sa party, hinarang daw sila ng kanyang kaibigan ng tatlong lalaki na hindi nila kilala. Sa isang madilim na lugar dinala sila at pareho silang ni-rape. Dalawang buwan na ang nakalilipas at ngayon ay buntis ang anak ko. Hindi pa rin nahuhuli ang mga lumapastangan sa kanila at walang lead ang pulisya sa kaso. Dapat ko bang ipalaglag ang sanggol sa sinapupunan ng anak ko? Ang pulisya lang ang nakakaalam ng pangyayari at hindi ito batid ng mga kaanak namin at kapit-bahay. Ano ang dapat naming gawin?

Dear Linda,

Ano man ang dahilan, iligal at kasalanan pa rin ang abortion. Masakit man subalit kaila­ngan ninyong harapin ang katotohanan. Kailangan ding makipagtulungan ang anak mo at kaibigan niya sa ikadarakip ng mga salarin. Magpaka­tatag kayo at manalangin sa Dios sa pagsubok na dumating sa inyong buhay. Sana’y maging aral ang nangyari sa inyo sa ibang magulang na maluwag sa kanilang mga anak.

Sumasaiyo,

Vanezza

Show comments