‘Sinner or Saint (4)’
“DALI, Poldo, arangkada na!†utos ni Generoso sa personal driver habang hangos na papasok sa kotse. “Baka may makakita sa atin!â€
Bruummm. Zooomm.
“Aso lang naman ang pinatay ko, bakit pa ako nagmamadaling tumakas? Iyan ba ang tanong mo, Poldo?â€
“W-wala po akong tanong, bosing.â€
“Just the same, sasagutin ko. Tumakas ako, dahil hindi maiintindihan ng mga tao kumbakit ako, si GeÂneroso Sabroso, ay pumatay ng asong gala.
“Hindi nila maiintindihan na ang ginagawa kong pagpatay, actually, ay pantulong sa asong iyon. My gulay, hirap na hirap na ang aso—hopeless na. Bakit pa patatagalin ang pagdurusa?†mahabang sabi ni GeÂneroso.
Tumangu-tango ang driver. Wala itong pakialam sa kakaibang ugali ng amo basta regular na natatanggap ang suweldo.
“Ano’ng say mo, Poldo?â€
“Tama po! Pati po ba pusa?â€
PATI pusang abandonado na naghaÂhalungkat sa basurahan, slow-motion ang kilos, nanghihina sa gutom.
“Miiing. Miiinngg. Eat. Eat.†May dala na namang pagkain si Generoso, malaking tilapyang bagong luto. “Miiinngg…â€
Hindi baril ang ginamit habang kumakain ang hayop.
Sako ng bigas, tinakluban agad ang mahina nang pusa. “Umm! Huli!â€
Tinalian ng alambre ang bunganga ng sako. Nagpapalag ang hayop.
Inilapag ni Generoso ang sako.
“Saglit lang ‘to, Ming, hindi masakit.†Hawak ni Generoso ang malaking tipak ng bato.
Ibinagsak iyon sa tapat ng ulo ng pusa.
KRAA-AAKK.
Mabilis ang malupit na kamatayan.
Nasa kotse na si Generoso nang ma-guilty. “Mali ang pagpatay ko, Poldo! Masyadong bayolente ang malaking bato! Dapat ay binaril ko na lang sa ulo—tulad sa aso!â€
“Opo nga po, bosing. Gruesome ho ang ginawa ninyo, hindi papasa sa Board of Censors.â€
NAGISING si Generoso nang hatinggabi. Nakatunghay sa kanya ang aso at pusang pinatay. (ITUTULOY)
- Latest