Sinner or Saint? (1)’
MAYAMAN si Generoso, may ginintuang puso para sa mahihirap.
“SA akin na po itong…limampung libong piso, s-ser?†taka-manghang tanong ng ginang na nakatira sa kariton o pushcart.
Tumango si Generoso. “Opo. Sikapin ninyong makalipat sa maayos-ayos na tirahan. Kawawa po ‘yang anak ninyong bata, malamok dito, baka tamaan ng dengue.â€
Napaluha sa galak ang gusgusing ginang. Pagpupulot ng basura ang trabaho nito. “Nakupo, ser, hulog kayo ng Langit. Santo kayo sa kabaitan.â€
Pati sa mga aso at pusang gala ay may malaking puso si Generoso. Tinitigilan niya ang mga ito sa daan, binibigyan ng nakahandang pagkain na hindi basta -basta.
Nagpapaluto siya sa kusinera ng sangkilong giniling na baboy. Hinahaluan ito ng kanin saka idinudulot sa mga gutom na hayop sa lansangan --sa daming hindi tinipid.
Pista ang mga aso’t pusa sa pakain ni Generoso.
Bagay sa pangalan niya ang ugali. Generoso. Generous. Galante.
Siya ang nagmamaneho ng bago niyang sportscar. Naka-schedule siyang magtungo sa public hospital sa araw na ito.
Sa lugar ng matatandang maysakit. Sa geriatric ward.
Noong isang linggo, nakilala niya rito si Mang Juan. 88 na ang matandang wala nang pamilya.
Hirap na hirap na sa sakit na kanser si Mang Juan.
Walang nagbabantay kay Mang Juan, hindi na dinadalaw ng nalalabing kamag-anakan.
Hinihintay na lang ng mga nasa ospital ang kamatayan nito.
“Kumusta na kayo ngayon, Mang Juan?â€
“Generoso, hirap na…hirap na ako…g-gusto ko nang mamatay…â€
Parang biniyak ang puso ni Generoso, sa awa sa matanda.
“Bakit ayaw…pa akong…kunin?â€
Walang maisagot si Generoso. Bakit nga ba pinaghihirap pa nang husto ang mahirap na matanda?
“Pati ba…ang Diyos…ayaw sa…akin?â€
Hirap na hirap ang maawaing puso ni Generoso.
“Gusto ko…nang mamatay…â€
Binulungan ni Generoso ang matanda. “Sa araw na ito, Mang Juan, matatapos ang paghihirap mo.†(ITUTULOY)
- Latest