Last part
Ang iba pang herbs gaya ng Echinacea, dandelion at milk thistle ay mainam sa paglilinis ng atay sa dugo.
Bilang karagdagang kaalaman, dapat maging aware sa pagkonsumo ng carbohydrates at proteins. Ayon sa mga dietician, ang brown rice ay mainam piliin dahil taglay nito ang selenium, na natural na antioxidant.
Pero ang lean proteins na bagaman ay mainam din sa atay ay dapat ikonsumo sa bahagyang dami lamang. Taglay ng soy beans ang lecithin, na nakakatulong para mabawasan ang fat level sa atay.
Ang lean meat gaya ng manok, isda at lean red meat ay pawang maganda para sa atay.
May tinatawag na non-meat proteins gaya ng itlog, beans at lentils na mapapakinabangan naman ng atay para sa paglilinis nito.