Alam n'yo ba?

Alam n’yo ba na ang hotdog ay isa sa mga pagkaing baon ng mga tao sa loob ng Apollo moon flights? Noong unang panahon, ang carrots ay  itinuturing na “aphrodisiac” ng mga Greeks at Romans. May 3,500 ethnic restaurants sa New York City.  Tanging ang asin ang sangkap sa pagkain na hindi tumataas ang presyo sa loob ng 150-taon.  25% ng mga Amerikano ay kumakain ng kanilang agahan sa loob ng sasakyan. Ang Italy ang bansang gumagawa ng pinakamaraming wine sa buong mundo. Ang gulay ay inaani tuwing umaga o hapon dahil kapag tirik ang araw, ito ay mabilis malanta at mawawala ang ganda ng kulay nito.

Show comments