Last Part
Una na ang laging napapansin, tinitingnan ang kanilang boobs ng mga lalaki.
Dahil sa mabigat na ‘kargada’ nasisira ang posture dahil pilit na itinatago ang malaking boobs. Dahil din sa bigat ng boobs, nagkakaroon ng marka ng strap ng bra sa balikat. Hindi rin komportable sa pagtakbo o sa anumang sports na kailangang tumakbo o tumalon.
Ang susi dito ay ang tamang fit ng bra. Kailangan ng maliit na size ng bra at tamang size ng cup, yung nasasakop ang buong suso. Ang iba kasi ay mas pinipili ang malaking bra para itago ang malaking boobs. Ngunit payo ni Dr. Stearn, mas maigi na maliit ang size ng bra pero saktong size ng cup. Kung nagmamarka ang strap ng bra sa balikat, posibleng malaki ang size ng likod ng bra. Kailangan ang main support ng boobs ay galing sa strap na paikot sa iyong katawan at ang cup ng bra. Kung nagkakaproblema sa bra sa likod, posibleng malaki ang bra na paikot sa iyong katawan.
Dapat na sakto ang bra sa iyong ricage. Kung nagawa na ang lahat ng ito, subukang itaas ang dalawang kamay ng diretso. Kung umangat ang bra, kailangan ng mas maliit na size ng bra o mas malaking cup size.
Kung kumukulubot ang bra, malaki ang cup size. Kung umaapaw ang boobs sa bra, maliit ang cup size. Mas mainam ang bra na may dalawa o tatlong hooks na mas nagbibigay ng magandang suporta. Nagbibigay ng magandang suporta ang underwire sa bra ngunit siguraduhing hindi tumutusok ang dulo ng wire malapit sa kili-kili.
Ang iba nagpapabawas ng boobs. Ngunit mas kumplikadong operasyon ito kumpara sa pagpapalaki ng boobs dahil kailangang magpantay ang dalawang boobs kaya bihira ang nagpapagawa nito. Isa pa ay maraming problema na lumalabas sa pagpapaliit ng boobs.
Hindi pantay na boobs. May mga babaeng hindi pantay ang boobs, mas malaki o mas maliit ang isa kumpara sa isa. Mayroong sobrang halata na hindi pantay ang boobs, mayroon namang hindi halata. Wala namang problema dito lalo na sa pagpapadede ng bata. Ang ibang may kaya ay nagpapaopera para pagpantayin ang boobs.
Alam naman natin na may mga side effects ito.