Mga dapat kainin para sa atay (2)
Ang carrots at beets ay may beta-carotene, na nakakapagpabawas sa pinsala na dulot ng free radicals sa atay.
Ang mga mapapait na mga gulay naman gaya ng dandelion, chicory at gourds na pawang tumutulong para makapag-produce ng bile ang liver. Ang Artichokes ay tinukoy din ng mga expert na makakatulong para sa daloy ng bile o digestive fluid sa pamamagitan ng atay.
Kung more on fruits ka naman sa iyong diet, mainam ang tinaguriang high-antioxidant fruits gaya ng blueberries, blackberries, strawberries, raspberries, plums at prunes na maganda para sa atay. Ang antioxidant properties ng mga ito ang pumuprotekta sa liver mula sa mga free radicals. Ang mansanas ay may mataas na pectin, na bumabawas sa level ng toxins na napupunta sa liver.
Ang oranges naman, cantaloupe, pears at grapefruits ay pawang natural na mataas ang antioxidants.
Marami rin sa atin ay mas prefer ang herbs para sa kanilang health. Nangunguna kung herb para sa atay ang pag-uusapan ay ang bawang, na may mga liver-cleansing vitamins at minerals. Halimbawa nito ay ang allicin, na isang sulphur-based compound na tumutulong sa atay para sa detoxification process. Tinutulungan din ng bawang ang atay para mailayo sa pinsala ng mga metal gaya ng lead at mercury.
Binibigyan din nito ng pagkakataon ang atay na malinis ang sarili kung sumobra ang estrogen at nitrogen.
Mahalagang malaman na ang mga metal at hormones ay nakapagpapalala sa liver cancer sa ilang mga kaso.
Mainam naman na mapagkunan ng glutathione ang sibuyas, samantalang ang amino acid ay nakakatulong din sa bile.
- Latest