^

Para Malibang

‘The Rainbow (20)’

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

NILAPITAN nga ng mga magulang ang nagkakatuwaang multo ng mga batang mag-aaral at mga guro. Hindi sila natakot sa mga anak-anak na napatay ng mga terorista.

Para sa mga magulang na nagluluksa at nagdadalamhati, welcome relief na makitang maligaya sa kabilang buhay ang mga nasawi.

Kinabahan si William. “Oh my God…”

“William, bakit?” Laging nakaalalay si Donna sa bagong biyudo.

“Naisip ko lang, baka kaya wala rito ang anak ko—dahil siya pala ay sa ibang level napunta…”

“Ang ibig mo bang sabihin…hindi sa Kaharian ng Diyos?”

“No, hindi ganyan ang ibig kong sabihin, Donna. Nasa ibang level siguro si Tamara, kaya wala rito.  Baka nasa mas mataas na bahagi ng bahaghari—not necessarily sa dulo…”

“William, hindi lohikal ‘yang sinasabi mo. Si Tamara ay kasamang namatay ng mga batang nagmumulto ngayon. Therefore dapat lang na makita mo siya rito. Gaya ng nakikita rin daw ng mga kapwa mo parents.”

Napatitig kay Donna si William. “Hindi ka pa rin naniniwalang narito nga ang masasayang multo ng mga bata?”

“Paano ako maniniwala e wala nga akong nakikita?”

“Pero nakikita rin ng mga parents, Donna! Ibig sabihin, totoo ang sinasabi ko!”

“Whatever. Pareho halos tayo ng problema, William. Ako’y walang nakikitang multo o mga multong nagkakasayahan. Ikaw, hindi mo naman makita ang anak mong si Tamara.”

“Iyon nga ang ipinagtataka ko—bakit?”

May naisip si Donna. “May picture ka ni Tamara sa wallet mo. Pahiram muna, William.”

Ibinigay naman ni William ang larawan ng anak.

Ipinakita ito ni Donna sa mga magulang, nagtanung-tanong. “May nakikita po ba kayong ganitong bata s-sa mga nakikita ninyo?”

“Si Tamara ‘yan, Top One sa klase,” sabi ng guro na namatayan din ng anak. “Hayun siya, nakikipagsaya pero patingin-tingin sa ama!”

“Hindi ho siya nakikita ni William, misis!” paliwanag ni Donna, kumbinsidong sila ni William ang hindi ganap ang nakikita.

Kinumpirma rin kay William ng ibang magulang na naroon ang multo ni Tamara. “Kalaro ho nina Minerva at Boyet!”  (ITUTULOY)

ANAK

BOYET

DONNA

NAKIKITA

SI TAMARA

TOP ONE

WILLIAM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with