Lumalaking boobs sa mga lalaking teenager
Minsan may mga binatilyong lumalaki ang dede o di kaya ay nagiging malambot ito. Walang dapat ipag-alala dito dahil nangyayari ito sa ibang lalaking teenagers. Hindi ito nangangahulugang nagiging babae na ang isang binatilyo. MaaaÂring magsimula ang paglaki ng dede sa edad 10. Halata na ang paglaki ng boobs sa edad 13-14 ngunit liliit uli ito at karaniwang flat na ito sa edad 18-19, ayon kay Dr. Margarette Stearn sa embarrassing problems.com Sa puberty age, pabagu-bago ang pagtaas ng level ng testosterone (male hormone). Sa kaagahan ng teenage years, malaki ang diperensiya ng pagbabago ng pagtaas ng testosterone level. At bigla ring bumabagsak. Kapag bumababa ang testosterone level, nagkakaroon ng kaunting estrogen (female hormore) sa dugo na nagkakaroon ng epekto sa dede ng mga lalaki. Ito ang dahilan ng paglaki ng dede. Sa edad 15 pataas, nagiging steady na ang testosterone level kaya liliit na uli ang dede dahil nawawala na ang effect ng oestrogen. May pagkakataong nananatiling malaki ang dede ng mga lalaki kahit
lampas na sa teen years. Hindi ito karaniwan ngunit wala naming problema dito. Nagkataon lang na ang lumaking breast tissue ay nanatiÂling hypertensive sa kaunting oestrogen, o kaya ay hindi responsive sa ‘shutting down’ effect ng testosterone. Bibihirang isang sakit ang dahilan ng paglaki ng dede kaya komunsulta
sa doctor para makasiguro. Lumalaking boobs sa mga lalaki. Tila napakasensetibo ng breast tissue sa balanse ng oestrogen (female
horemore) at testosterone (male hormone) sa dugo. Kung babagsak ng kaunti ang level ng testosterone o tataas ang oestrogen level, maaari itong maging dahilan ng paglaki ng dede, ayon kay Dr. Margarette Stearn sa embarrassing problems.com. (ITUTULOY)
- Latest