^

Para Malibang

Legs massage para sa senior

HEALTH CORNER - JC - Pang-masa

Tanong: Paano ba ang tamang pagmamasahe sa binti ng isang may edad? - Molly

Sagot: Maraming expert ang nagrerekomenda na gawin ang pagmamasahe kahit nakadamit ang pasyente. Dahil may edad na ang pagtutuunan, mahalaga na tandaan na hindi kailangan ang matinding pressure sa bawat hagod. Sa halip ay compassionate touch.

Umpisahan ang pagmamasahe nang mahinahon na pataas at pababang pabalik-balik na paghagod. Sa payo pa ng mga expert, kung ang paghagod ay papunta sa direksiyon ng puso, makakatulong ang pagkakaroon ng bahagyang pressure. Nakakatulong umano ito para mapaganda ang sirkulasyon ng dugo. Bukod dito, nakakapagpa-relax din ito.

Maihahalintulad sa pagsasayaw ang pagmamasahe. Dahil kadalasan ang bawat hagod ay mistulang ritmo. May ilang pagkakataon, na mapapansin sa nagmamasahe ang pag-sway ng hip kasunod ng bawat stroke sa baha­ging inamasahe.  

Ang karaniwang pagmamasahe sa partikular na bahagi ay tumatagal ng limang minuto. Saka babaling  naman sa kabilang binti. Kung paano ang hagod na ginawa sa isang binti ay ganoon din ang gawin sa kabilang panig. Parehong paghaplos, malumanay na pagpisil at stroke.

Ayon pa sa mga expert, mahalaga rin na maging conscious ang nagmamasahe sa paggalaw at posisyon ng kanyang katawan habang isinasagawa ang pagmamasahe. Dahil importante rin na gaya ng pangangalaga sa may edad na minamasahe, ang pangangalaga sa sariling katawan.

Maoobserbasahn na may iba’t ibang istilo ng pagmamasahe. Kung ang iba ay nagsisimula mula sa ulo pababa sa talampakan, may iba naman na kabaliktaran nito.

AYON

BUKOD

DAHIL

MAIHAHALINTULAD

MAOOBSERBASAHN

MARAMING

NAKAKATULONG

PAANO

PAGMAMASAHE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with