Alam n’yo ba na hindi lang sa ating panahon nauso ang State of the Nation Address o SONA? Ang kauna-unahang SONA ay isinagawa ng bayaning si Andres Bonifacio noong Marso 1897 kung saan dito niya inilahad ang mga nagawa ng kanilang samahan at kung paano siya naging mabuting pinuno. Subalit ilang historians ang nagsasabi na ang unang SONA ay ginawa ni dating Pangulong Manuel L. Quezon noong Hunyo 1936. Ito ay matapos na mabanggit ang pagsasagawa ng SONA sa binuong 1935 Constitution, kung saan nakapaloob sa Article VII Section 10 na kinakailangan na mag-ulat ang Pangulo sa Kongreso hinggil sa kalagayan ng bansa.
Kasama sa laman ng SONA ng Pangulo ang mga programa o proyekto na nagawa ng pamahalaan, at mga nais pa nitong gawin sa nalalabing taon ng kanyang termino.
Sa SONA ay nalalaman din ang mga panukalang batas na nais ng Pangulo na dapat bigyan prayoridad ng Kongreso