Maraming tao ang bumibisita sa bahay kapag araw ng Pasko. Ang mga taong ito ay may bitbit na iba’t ibang emosyon na maaaring maiwan sa inyong bahay. Mabuti kung ang emosyong iiwan ay positive, paano kung negative? Sa hirap ng buhay ngayon, mahuhulaan natin na mas maraming tao ang may bitbit na negative emotion kaysa positive.
Purple ang magandang color para sa Christmas decoration at hindi pula. Coca Cola lang ang nagpauso na pula ang kulay ng Pasko. Pula ang motif ng Coke kaya’t pula ang ginamit nilang kulay sa damit ni Santa sa kanilang advertisement.
Mainam din ang kombinasyong silver/white/gray na may kaunting aqua blue dahil nagdudulot ito ng calming and soothing energy.