Butiki
Ang butiki sa panaginip ay nagpapahayag na mag-ingat sa pakikisama sa ibang tao. Manatiling kalma gaano man kagulo ang iyong sitwasyon sa kasalukuyan. Kung tumatakbo ang butiki palayo sa iyo, ibig sabihin ay may isyu sa iyong buhay na labis mong kinatatakutan. Kung kinagat ng butiki ang dreamer, winawarningan ka na huwag munang ituloy ang pinaplano. Pero mabuting senyales kung ang butiki ay nasa puno, ituloy ang plano at makamit ang tsansang magtagumpay ito. (Itutuloy)