^

Para Malibang

‘Cystitis’?

MAINGAT KA BA - Miss ‘S’ - Pang-masa

Intertitial cystitis - Ito ay tinatawag ring masa­kit na bladder syndrome o non-bacterial cystitis. Ito ay pamamaga ng pantog na walang bacteria.

Ang mga nakakaranas nito ay karaniwang mga babae sa kahit na anong edad ngunit mas karaniwan sa edad 40 pataas. Hindi pa alam kung ano ang tunay na dahilan nito ngunit may isang theory  na ang dahilan ay kulang  ang pantog ng substance na glycosaminoglycan . Ang substance na ito ay bahagi ng madulas na layer na tumatakip at nagpoprotekta sa lining ng pantog. Ang isa pang theory ay isa itong uri ng allergy dahil nagkakaroon ng cells na karaniwan sa allergy sa gilid ng pantog.

Sintomas ng cystitis:

* Mahapdi, masakit na pag-ihi na madalas ay pakonti-konti lang.

* May dugo o malabong ihi.

* Sa bacterial cystitis, nararamdaman ang sakit kapag umiihi lamang ngunit posibleng ang infection ay umakyat sa kidney o atay ngunit hindi naman ito karaniwan. Kung may infection sa kidney, kailangan ito ng tamang treatment kaya magpatingin agad sa doctor kung may dugo o malabo ang ihi, masakit ang tiyan o likod at kung may lagnat at nanghihina.

*Kakaiba ang sintomas ng intertitial cystitis. Madalas kang maiihi sa gabi at minsan ay agad-agad at puwedeng hindi maganda ang pakiramdam
sa pag-ihi. Makakaramdam ng discomfort sa lower abdomen kapag napupuno ang pantog (pelvic pain) na mawawala lang kung maiihi.

*Maaaring masasaktan kapag nakikipag-sex. Grabe ang mga sintomas kapag malapit nang magkaroon.

GRABE

KAKAIBA

KUNG

MAAARING

MADALAS

MAHAPDI

MAKAKARAMDAM

PANTOG

SINTOMAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with