Maraming benepisyo ang nakukuha sa pag-inom ng tea, hindi lang ito basta nakakapagpapayat. Narito ang ilan pang kahalagahan ng tea sa iyong katawan:
Sakit sa puso – Ang tea ay nagbibigay din ng proteksiyon laban sa atake sa puso at iba pang sakit na nagpapahirap sa katawan ng tao gaya ng iba’t ibang uri ng cancer. Hindi man ito gamot sa cancer ngunit napatunayan na nagtataglay ito ng mga sangkap na lumalaban sa cancer cells at nagpapatibay ng immune system.
Parkinson’s disease – Pinapababa nito ang posibilidad ng pagkakaroon ng sakit na ito. Ang pag-inom ng tea araw-araw ay mas mabuti kumpara sa pag-eehersisyo. Nakakatulong din ito para madagdagan ang liquid sa katawan bagama’t mayroon itong caffeine.
Ultra violet rays – Nagbibigay din ng proteksiyon ang tea laban sa masamang epekto ng araw sa balat. Binabantayan at inaayos nito ang skin cells matapos na ma-expose sa araw at radiation. Bukod dito pinabababa pa nito ang posibilidad ng pagkakaroon ng diabetes dahil tumutulong ito na ayusin ang pagpoproseso ng sugar sa katawan ng tao.
Paninigarilyo – Magandang pangontra din ang tea sa mga masamang epekto ng paninigarilyo, lalo na ang lung cancer.