‘ Annulment ’

Dear Vanezza,

Tawagin mo na lang akong Junrex. Dati’y maligaya ako sa piling ng asawa ko. Nagkaroon kami ng dalawang anak. Pero naging malungkot ang karugtong ng buhay ko dahil sumama sa ibang lalaki ang aking misis.

Dahil sa nangyari ay hindi na ako makapagfocus sa aking ginagawa hanggang sa nawalan ako ng trabaho. Dinala ko ang aking dalawang maliliit na anak sa probinsiya namin upang doon humanap ng bagong kapalaran. Doon ko nakilala ang aking bagong pag-ibig na 10 taon mas bata sa akin. Alam niya ang aking karanasan at hindi ito importante sa kanya. Pero ang gusto niya makasal kami. Ang balak ko magpa-convert sa Islam para puwede kaming ikasal dahil kasal ako sa una. Tatlong taon na rin kaming hiwalay ng misis ko at ang balita ko’y may anak na siya sa iba.

Ano ang dapat kong gawin?

Dear Junrex,

Sa tingin ko balidong ground ang marital infi -delity para mapawalang bisa ang iyong kasal sa una mong asawa. Kung alam mo kung saan siya makokontak makipagugnayan ka sa kanya dahil kakailanganin ding humarap siya sa hukuman sa sandaling iproseso ang annulment.

Mas makabubuting humingi ka ng payo sa isang abogado para malaman mo ang eksaktong dapat gawin.

 

Sumasaiyo,

Vanezza

Show comments