^

Para Malibang

Nasaan ang butas ng ‘ penis ’ mo ?

MAINGAT KA BA? - Miss ‘S’ - Pang-masa

Treatment ng hypospadias - Ang malalang hypospadias kung saan ang butas ay nasa gilid ng penis o malapit sa testicles ay mapapansin na kapag baby pa lang at dapat ay naoperahan na ito sa edad 12–18 months. Ang mga ipinanganak na ang butas ay nasa ulo ng penis ngunit hindi malayo sa dimple ay karaniwang hindi na inooperahan.

Kung may hypospadias na hindi naoperahan noong kayo ay bata pa at ikinahihiya mo ngayon dahil hindi mo makontrol ang direksiyon ng iyong pag ihi, komunsulta sa doctor upang mapayuhan kung ano ang dapat mong gawin.

Kakaibang patse sa penis - May napapansin ka bang patse sa balat ng iyong penis? Ayon kay Dr Margaret Stearn FRCP mula sa Oxford University and St. George’s Hospital Medical School na kilalang eksperto sa mga nakakahiyang problema, karaniwan lang ito.

Hindi kataka-takang may mapapansing kakaibang patse sa penis. Puwede itong

mapula, makintab, parang makaliskis, parang peklat. Pero kung hindi ito mawawala sa loob ng isang linggo o dalawa, ipinapayong patingnan na ito sa

doctor.

• May sakit sa balat tulad ng psoriasis na maaaring

lumabas sa penis.

• Kung maumbok ang patse, maaaring warts

ito.

• Maaari din itong balanitis xerotica obliterans

na magagamot ng steroid cream.

AYON

DR MARGARET STEARN

HOSPITAL MEDICAL SCHOOL

KAKAIBANG

MAAARI

OXFORD UNIVERSITY AND ST. GEORGE

PENIS

PERO

PUWEDE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with