Dear Vanezza,
I’m 15 years old at nasa 2nd year high school. Naiinggit po ako sa mga kaklase ko dahil
meron silang mga girlfriend samantalang ako hindi ko pa po na-experience magka-syota.
Ngayon po ay crush ko ang isa kong classmate.\ Ang problema, may bf na yata siya. Lagi ko
siyang iniisip. Hindi ko masabi sa kanya na gusto ko siya kahit sa mga kaklase kong lalaki
dahil baka kantiyawan nila ‘ko. Masyado po kasi akong mahiyain.
Ano po bang magandang gawin? – Emet
Dear Emet,
Makipagkaibigan ka rin sa mga babae. The more you associate yourself with girls, the more na mawawala ang pagka-mahiyain mo sa kanila. Pero hindi dahil may gf ang mga kaklase mo’t kaibigan ay kailangan mo ring magka-gf. Bata ka pa at marami ka pang mami-meet na girls. Ang napi-feel mo ngayon sa crush mo ay maari pang magbago as you mature kaya hindi mo kailangang magmadali. Lagi mong tandaan na mas mahalaga pa rin ang pag-aaral. Marami na ang masyadong dinibdib ang pag-ibig at nawala ang pokus sa pagaaral kaya ang natapos nila ay “marriage degree”. Tandaan mo na mahalaga ang makatapos para maging maganda at matatag ang kinabukasan mo at ng iyong magiging pamilya.
Sumasaiyo,
Vanezza