I. Marami kang iniisip
Huwag mag-isip ng problema habang nagpapaantok o habang nakahiga at matutulog na. Kung mag-iisip ng kung anu-ano, gawin na ito ng mas maaga kaysa oras ng iyong pagtulog.
II. Sobra ang tulog sa umaga
Kung magsisiyesta sa hapon, siguraduhing ang iyong tulog ay hindi lalampas ng 30 minuto. Kung sosobra pa dito, mahihirapan ka nang dalawin ng antok sa gabi.
III. Malakas humilik ang asawa
Ang katumbas ng isang malakas na hilik ay ingay ng blender. Kahit pa sabihing nakakatulog ka pa rin, nagigising ka pa rin sa pagitan ng iyong pagtulog. Mas healthy kung ang tulog ay tuluy-tuloy kaysa payugto-yugto. Payuhan ang asawa na humiga nang patagilid. Nakatulong ito para manahimik ang isang naghihilik. Kung wa-epek pa rin, maglagay na lang ng earplug bago matulog.
IV. Nagkakaroon ng pagbabago sa “hormones”
Nangyayari ito bago dumating ang menstruation o habang may menstruation. Dahil sa fluctuating levels ng estrogen at progesterone, apektado pati ang pagtulog. Makakatulong ang warm bath ilang oras bago matulog. Iwasan ang caffeine at alcohol tatlong oras bago matulog.
V. Kumukulong tiyan
Kumukulo dahil sa gutom at ang gutom ay hindi nakakapagpatulog. Kung nagda-diet ka, nilagang itlog ang kainin. Mababa lang ang calorie ng itlog pero rich in protein. Mas matagal magutom kung pagkaing rich in protein ang kakainin kaysa carbohydrates at fat.