Ipinanganak sa 3rd day of the month. Pipiliin niyang maging “Boss” kaysa maging tauhan lang. Basta’t sa ikakaasenso ng kanyang buhay, hindi siya nag-iisip nang matagal at umaaksiyon kaagad. Mabilis uminit ang ulo niya lalo na at pinapangunahan siya ng dapat gawin sa kanyang buhay. Gusto niyang siya ang makapangyarihan at may control sa mga taong nakapaligid sa kanya. Makakasundo niya ang spouse na sumusuporta lang sa kanya pero hindi nananapaw. Ang mga kasundo niya ay no. 3, 5, at 6 persons pero hindi ang no. 4 person.
Ang magiging health problem ay may kinalaman sa joints at skin. Sinusuwerte siya tuwing Martes, Huwebes at Biyernes lalo na kung matatapat sa petsang 3, 12, 21 at 30. Sapphire ang gemstone na magdadala ng suwerte at mga kulay blue at pink.