Alam n’yo ba na ang “Taj Mahal sa India ay kinokonsiderang pinakapantastikong regalo ng pagmamahal. Ipinagawa ni Mughal Emperor Shahjahan ang nasabing templo bilang alaala sa kanyang misis na namatay matapos na manganak. Binuo ng 20,000 manggagawa ang nasabing templo sa loob ng 22-taon. Karamihan sa mga may alagang hayop ay nagbibigay din ng regalo sa kanilang pet. Idineklarang holiday ng hari ng England na si King Henry VIII ang Valentine noong 1537. Noong 17th Century, naniniwala ang mga kababaihan na mapapanaginipan nila ang kanilang pinapangarap na mister sa oras na sila ay maglagay ng nilagang itlog na tinusukan ng limang bay leaves. Noong 1600’s ang bulaklak na tulip ay napakamahal kung saan kasing halaga ito ng ginto. Noong 15th Century, dalawa ang sinisimbolo ng rosas o roses sa England. Ang pulang rosas ay kumakatawan sa paksiyon ng Lancaster habang ang puting rosas naman ay kumakatawan sa paksiyon ng York. Nang lumaon tinawag ang dalawang nag-aaway na grupo na “War of the Roses”.