Balikong ‘Penis

Ito ay huling bahagi ng paksa kung bakit may mga lalaking nagtataglay ng balikong penis. Medyo mahirap na suriin ng doctor ang ganitong problema dahil kailangan niya itong makita kapag naka-erect.

Pero puwede mo naman ku­­­nan ito ng picture at iyon na lamang ang ipakita sa doctor.  Hindi kailangan ng operasyon para gamutin ang sakit na ito  kapag
isang taon pa lamang kumakapal ang balat ngunit kapag tapos na ang pa­nga­ngapal ng balat, operas­yon na ang kailangan.

Inererekomenda ang pagpapahid/ pagmamasahe  ng Cocoa butter cream at Tamoxifen sa balikong bahagi na makakatulong. Vitamin E ngunit hindi
masyadong malaki ang tulong.

Ginagamit din ang Steroid injections, X-ray treatment at Colchicine ngunit mayroon itong side effects. May mga gamot na ginagamit tulad ng Potassium aminobenzoate,
Iontophoresis, Laser treatment at Verapamil ngunit kailangan pang i-research itong mabuti.
Mayroon ding Penis extender device para banatin ang penis ngunit kailangan itong isout ng ilang oras sa loob ng ilang buwan.
Ang pinaka mabisa ay operasyon para ayusin ang problema ngunit kailangang sumailalim sa mara­ming pagsusuri bago isagawa ito.

Show comments