^

Para Malibang

Ghost Lake (19)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

Hindi lumitaw sa video cam ni Paolo ang kinunang kababalaghan sa munisipyo; hindi rumehistro ang mga kabaong na nakalutang sa hangin.

Pero kita ang eksenang binabaril na ng mga pulis ang mga ito.

Napailing ang binatang makabayan. “Wala ring saysay, hindi pa rin maniniwala ang taga-media na may nagmumultong mga kabaong.”

Nagbakasakali si Paolo, nagbalik sa bayan, nagtanung-tanong sa mga taong ‘di-kalayuan sa munisipyo ang bahay.

Gaya niya ay kumuha rin ng litrato at video ang mga ito.

At gaya niya, bigo rin ang mga ito na makunan ang mga nakalutang na kabaong.

“Nakunan ko pati sina Meyor at Hepe, Paolo. Pero ‘yun ngang mga ataul, wala sa pictures. Wala as in WALA.”

Gayunma’y kumontak ng taga-media si Paolo. Isang investigative reporter ang nakarating sa San Isidro na kinaroroonan ng Camachile Lake.

Matalinong babae ang reporter, bata pa. “Pati ‘ka mo kayo, Sir Paolo, ay nakasaksi sa ayon sa inyo’y ‘nagmumultong mga kabaong’?”

“Tama ‘yan, miss. Bukod pa ang maraming tagarito.”

“At pati ‘ka n’yo sa harap ng munisipyo ay naglitawan sa mid-air ang mga ‘multong kabaong’?”

Tumango si Paolo. “Ang nakunan lang namin sa video ng iba pang saksi ay ang mga kaganapan—takot na mga mamamayan, ang pagbaril ng mga pulis sa mga kabaong sa ere…”

“But not of the ghosts coffins, ha, Sir :Paolo?”

“Oo. Hindi nga kasi sila tinablan ng video. Multo nga kasi.”

“At sinasabi n’yo rin, Sir Paolo, na kayo n’ung magandang babaing Dolores ang ngalan ay sumisid dito sa Camachile Lake for 30 minutes, nang walang scuba?”

“Tama, miss. At sa pusod ng dagat nga namin nakita ni Dolores ang napakaraming kabaong…”

Hindi kumbinsido ang lady reporter. “Mawalang-galang, Sir Paolo, pero ang ikinukuwento ninyo—kayang maisip ng sinumang may imaginative mind, ‘yung matindi ang imahinasyon.”

Hinahanapan siya ng ebidensiya, naunawaan ni Paolo. Solid evidence na magpapatunay sa kanyang mga ikinuwento.

“Hindi pa ba sapat na napakaraming saksi, ha, miss?” salag ni Paolo.

 “Kapag po walang body, walang murder.” (ITUTULOY)

CAMACHILE LAKE

CAMACHILE LAKE.

KABAONG

LSQUO

PAOLO

PERO

SIR PAOLO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with