Berdeng ilaw

Panaginip: Nasa isang bar ako na berde ang ilaw. Parang blurred ang eksena, ‘yun malabo ang tingin ko sa paligid. Nakadagdag pa ang ingay kaya hindi ako komportable. Nilinis ko ang mga kalat ng kostumer dahil wala akong madaanan palabas.---Myra

Interpretation: Ang green ay nagpapahayag ng pag-unlad at pag-asa. Kahit alam mong malabong matupad ang iyong mga minimithi sa buhay, hindi pa rin nawawalan ng pag-asa sa iyong puso. May sinisikap kang tanggalin sa iyong buhay na alam mong humahadlang sa iyong pag-asenso. Ito ang ipinahahayag ng paglilinis mo sa kalat ng kostumer.

Show comments