Tanong: Paano ba ang tamang pagmamasahe sa binti ng isang may edad? - Molly
Sagot: Maraming expert ang nagrerekomenda na gawin ang pagmamasahe kahit nakadamit ang pasyente. Dahil may edad na ang pagtutuunan, mahalaga na tandaan na hindi kailangan ang matinding pressure sa bawat hagod. Sa halip ay compassionate touch. Umpisahan ang pagmamasahe nang mahinahon na pataas at pababang pabalik-balik na paghagod. Sa payo pa ng mga expert, kung ang paghagod ay papunta sa direksiyon ng puso, makakatulong ang pagkakaroon ng bahagyang pressure. Nakakatulong umano ito para mapaganda ang sirkulasyon ng dugo. Bukod dito, nakakapagpa-relax din ito. Maihahalintulad sa pagsasayaw ang pagmamasahe. Dahil kadalasan ang bawat hagod ay mistulang ritmo. May ilang pagkakataon, na mapapansin sa nagmamasahe ang pag-sway ng hip kasunod ng bawat stroke sa bahaging inamasahe.
Ang karaniwang pagmamasahe sa partikular na bahagi ay tumatagal ng limang minuto. Saka babaling naman sa kabilang binti. Kung paano ang hagod na ginawa sa isang binti ay ganoon din ang gawin sa kabilang panig. Parehong paghaplos, malumanay na pagpisil at stroke. Ayon pa sa mga expert, mahalaga rin na maging conscious ang nagmamasahe sa paggalaw at posisyon ng kanyang katawan habang isinasagawa ang pagmamasahe. Dahil importante rin na gaya ng pangangalaga sa may edad na minamasahe, ang pangangalaga sa sariling katawan.
Maoobserbasahn na may iba’t ibang istilo ng pagmamasahe. Kung ang iba ay nagsisimula mula sa ulo pababa sa talampakan, may iba naman na kabaliktaran nito.
Tanong: Paano po ba ang taang pagtatanggal ng contact lenses? – Andrea Salinas
Sagot: Isang mahalagang bagay na dapat tandaan ay huwag gamitin ang kuko sa daliri sa pagtanggal ng inyong contact lenses. Dahil kadalasan, ito ang nagiging sanhi para makayod ang mata. Ang dalawang method sa pagtatanggal ng lens ay ang pag-ipit ito gamit ang hinlalaki at hintuturo; at ang paghila dito pababa sa puting bahagi ng mata. Tinatawag itong pinching at pulling method.