Fengshui sa tamad mag-aral

Tanong: Paano ko gagamitin ang Fengshui upang maging masipag sa pag-aaral ang anak kong hindi sineseryoso ang pag-aaral?---Mrs. FR

Sagot: Pumili ka ng isa sa aking mga suggestions, however, kung gusto mong gamitin lahat ay mas lalong mainam: Upang maging masipag sa pag-aaral at tumaas ang grades ng mga bata, hanapin sa kanilang bedroom or study table ang northeast (NE) direction. Ang elementong sumasakop sa  northeast ay earth kaya ang anumang bagay na may kaugnayan sa kalupaan ay makakapagbigay-buhay sa northeast direction. Ang isa rito ay quartz crystal. Ipatong ito sa study table habang nagre-review. Nakaka-improve ito ng memory. Bago gamitin ay linisin muna ang quartz crystal: Tunawin ang 7 kutsarang asin (magaspang) sa isang basong tubig. Dito ibabad ng 7 araw at 7 gabi ang quartz crystal. Patuyuin sa araw at balutin sa red cloth kapag hindi ginagamit.  Itutuloy

Show comments