Nadine, may kampanya sa pagsalba sa planeta

All out ang kampanya sa pagtataguyod ng kapaligiran ni Nadine Lustre.
Kahapon ay ipinakilala siya bilang bagong ambassador ng Save the Planet, Go Vegan habang nakasuot ng pintura sa katawan at nagpapanggap bilang Mother Earth para isulong ang Vegan lifestyle campaign ng People for the Ethical Treatment of Animals (PETA) sa isang photo shoot sa Pasig City noong Lunes.
Matibay na dedikasyon ni Nadine sa pagiging vegan kung saan naging very vocal ang aktres tungkol sa lifestyle change, hindi lang sa kanyang diet, ngunit maging sa mga produkto at tatak na kanyang tinatangkilik. Kabilang dito ang desisyon na maging leather-free pagdating sa kanyang wardrobe.
Maalala ring noong middle of 2024 opisyal nang binuksan ng aktres ang kanyang bagong vegan restaurant sa Siargao, kasama ang boyfriend, ang French entrepreneur na si Christophe Bariou.
Sa isang post niya sa Instagram noong July 21, ibinunyag ni Nadine na wala sa plano niya ang pagpapatakbo ng sarili nilang restaurant hanggang sa pumunta sila ng boyfriend sa Palawan para magbakasyon at nasubukan ang pagkainng pulos gulay.
Arci, magtatabi ng itlog para mabuntis!
Very Pinoy ang nararamdamang pressure ni Arci Muñoz na ba’t wala pa siyang pamilya sa edad na 36.
Ito ang inamin ng actress na isa sa mga bida ng pelikulang Sinagtala.
Kasal na lahat ng mga kapatid niya na mas nagpapalakas ng pressure sa kanya.
“Nape-pressure ako, siyempre, ‘di ba? All my siblings are married and they all have their family, they have kids,” sabi niya sa mediacon ng Sinagtala last week.
“As of the moment, I am the best ninang. Okay na muna ko do’n. Kasi para na ‘kong may mga anak sa mga pamangkin ko,” dagdag naman niya.
Pero hindi niya naisip na maging matandang dalaga o hindi magkaanak.
Aniya, sa kasalukuyan ay pinagpaplanuhan niyang magpa-freeze ng eggs para magkaroon ng Arci Jr. “In the future, of course, I wanna be a mom,” dagdag pa ng actress na matagal na ring hindi napapanood sa teleserye.
Sa kasalukuyan ay wala raw siyang lovelife at hindi na namin naitanong kung anong nangyari sa kanila ng sinasabing karelasyon niyang kamag-anak nila Jinkee Pacquiao.
“Ako ngayon talaga, si Lord na lang talaga. Wala na, nag-let go na ako. Ayoko na rin talagang magplano. Ayoko na ring ma-pressure. Sobrang kumakapit ako sa faith ko kay Lord. Na kung anuman ‘yung plano Niya para sa ‘kin, Lord just direct me there,” pahayag pa niya.
Katulad ng kanyang ama na naging mabuti sa kanila ang pangarap niyang maging partner kung sakali.
Anyway, kasama niya sa Sinagtala sina Glaiza de Castro, Rhian Ramos, Matt Lozano, at Rayver Cruz.
Nailabas niya sa pelikulang ito ang pagiging rakista dahil isa itong musical film na kuwento ng isang banda na dumaan sa matinding pagsubok. “Everything that’s new for me and challenging, talagang I look forward to doing it, eh. And also, nu’ng nalaman ko kung sino ‘yung mga kasama ko na very talented people talaga, very talented artists, not only in acting but also as singers, so ‘yun po talaga. It’s the excitement na makakabalik ako uli sa paggawa ng pelikula after so long.
“And maganda ‘yung kwento, napakaganda talaga ng kwento, I’m not exaggerating,” pagdidiin pa niya tungkol sa pelikula na showing na sa mga sinehan sa April 2 mula sa direksyon ni Mike Sandejas.
Naiyak nga raw siya sa pelikula : “Nakakaiyak!!!! Sobra ako proud ako sa pelikula na to!!! This is it!!!!
“The stage is set. The music is loud. But behind the melody lies a story of dreams, struggles, and unbreakable bonds. #Sinagtala Official Trailer is FINALLY OUT! Spo
“Get ready to witness a journey of passion, friendship, and the fight to keep the music alive. Will they rise above the challenges, or will their harmony fade away?
“Watch the full trailer now and don’t miss #SinagtalaTheMovie in cinemas this April 2!”
Base sa trailer, parang ang daming iyak ni Arci sa pelikula.
John Lapus naaksidente, muntik mawalan ng pag-asa sa buhay
Parang mababaliw si John Lapus nang sumadsad ang kanyang self-confidence dahil sa kawalan ng trabaho ng ilang buwan.
Bukod sa bagsak na self-confidence, kinuwestyon din niya ang Diyos kung ba’t ganun ang nangyayari sa kanya.
“Bakit wala akong trabaho?’ Tapos no’ng time na ‘to, nakalimutan ko na may pinagdaraanan nga pala ang showbiz at pelikula. May pinagdaraanan ang show business ‘di ba? Kaunti ‘yong pino-produce na pelikula, kaunti ang pino-produce na TV shows. Noong time na ‘yon, hindi ko naman naisip ‘yon. So, ang feeling ko lang ay—I started questioning myself. Masama ba akong tao? Hindi ba ako magaling? Bakit wala akong trabaho? I started to compare myself with others—’oh bakit ‘yan? Sobrang ‘yoko d’yan. Bakit ‘yan may trabaho [tapos] ako wala?’ Tumaas ang insecurity ko, I lost my growth—kapag tumataas ang insecurity ko, ‘yong self confidence ko [ay] nawawala e,” paglalahad ni Sweet pagkatapos ng mediacon ng Delia D musical noong nakaraang Marso 13, 2025, Huwebes, sa The Grand Bar and Lounge ng Newport World Resorts.
Kaya naman ramdam niya na umabot na siya sa matinding depression. “My god, feeling ko depression na ‘yon. Nalungkot talaga ako.”
Anong ginawa mo? Gaano katagal mo na-feel ‘yan?
“Nanonood na lang ako ng Netflix—March ako nawalan ng trabaho e. Yeah, It started in July. Akala ko birthday blues lang. Hindi s’ya nawala no’ng August, September, Octorber, November— tuluy-tuloy, ‘di ako makatawa.”
Paano ka naka-recover?
“So, finally—siguro in a way na answered prayer din. Sabi ko, ‘Lord, bigay mo na ‘ko ng gagawin kasi mababaliw [na] ako.’ Nagdasal ako. Umiiyak ako [tuwing] gabi, habang nagdarasal. Sabi ko, ‘Lord, ano bang nangyayari? Ang dami mong ibinigay sa akin na talent, wala naman [akong] paggagamitan,’ ‘di ba? At saka, for the first time in my life, hindi ko nako-compute—dati, nako-compute ko. Maski noong pandemic, nako-compute ko ano [ang] next kong gagawin. Na-compute ko na, ‘Oh, okay. Feeling ko kapag nagka-vaccine na, ito [ang] next move ko’ na-compute ko.
“Ito hindi ko na-compute. Ang pinakamalala, sinisisi ko ‘yong sarili ko—na tumanda na ko, ‘sandali, teka, hindi ko naman kasalanang tumatanda tayo’, hindi ba? For the first time in my life, si John Lapus na napaka-confident na tao, bine-blame ko ang sarili ko [kung] bakit wala akong regular na trabaho last year. ‘Yong self-pity naging galit sa sarili,” mahaba-haba niyang kuwento sa amin ni Jerry Olea.
At nagpapasalamat siya sa mga kaibigang hindi bumitiw sa kanya at sumuporta sa kabila ng kanyang kawalan ng trabaho.
“Thank god, ‘yung mga kaibigan ko kilalang-kilala ako. So, pupunta ang mga bakla sa bahay. Magto-tongits kami, mag-iinuman. Masaya na ‘ko. Paminsan, aayain nila ako [para] mag-out of town kami sa Batangas. Manonood kami ng sine. Basta kailangan lalabas. Alam na nila, alam nila na kapag mag-isa lang ako, nangyayari ‘tong mga thoughts—mga dark thought na ‘to sa utak ko. So ‘yong mga kaibigan ko, hindi naman [nila] ako pinabayaan,” dagdag na pahayag pa ni John na kilala sa tawag na Universal Sweet sa showbiz.
Hanggang dumating ang pagkakataon na nagkita sila ni Jonathan Manalo dahil pinaplanong gawing musical ang pelikulang Here Comes The Bride the Bride (2010) kung saan isa siya sa mga artista.
“May mga anak-anakan akong ipu-produce siya, so mineet namin si Chris Martinez at si Jonathan Manalo,” pagbabalik-alaala ni Sweet.
“Si Jonathan Manalo ang gagawa ng mga kakantahing original. Nabanggit ito ni Jonathan Manalo. ‘Uy, Sweet, yung mga songs ko, gagawing musical ng Newport.’
“Sabi ko, ‘Ah talaga?! Ano’ng istorya?’ ‘Ay, naku, parang may mga bakla. Baka may role ka.’ ‘Ahh OK, sige, pag nabalitaan ko,’ sabi ko pang ganyan.
“Siguro few weeks after, nakita ko sa Facebook. Parang announcement for the musical featuring the songs of Jonathan Manalo, ganyan-ganyan.
“Minessage ko si Dexter [Santos]. Matagal ko nang kaibigan at kasamahan ko sa Dulaang UP si Direk Dexter.
“Sabi ko, ‘Dexter, ikaw din ba ang magdidirek nitong kay Jonathan Manalo?’ ‘Oo.’ ‘Sabi niya kasi, bagong baklaan, baka may role ako?’
“Sabi lang ni Dexter, ‘Ay! Inaantay pa namin yung final script from Direk Dolly Dulu and Rody Vera.’
“The week after, ambilis ng pangyayari. The week after, ‘Hi, this is the production manager. We’d like to invite you for a reading,” mahabang salaysay pa ni John.
So, okay ka na ngayon? Naka-recover ka na?
“Instantly, ‘yong sinabi sa’kin na “we would like to offer you…’ Kinagabihan, may kinseng bakla sa bahay. Nag-inuman kami, nag-party kami, nag-celebrate. Tapos, alam n’yo habang tumatawa umiiyak ako, tears of joy. Alam n’yo ‘yon, in an instant, in that few minutes, nag-read ako, in-offer-ran ako, [sabi ko] ‘valuable pa rin pala ako, talented pa [rin] pala ako’. Bumalik lahat,” pagkukuwento pa niya.
Pero paano ka naka-survive financially during that time?
“Hindi naman ako magastos na tao. So kapag wala akong gagawin, hindi ako lumalabas ng bahay.”
May mga ipon ka naman? May mga investment ka?
“Mayroon naman, awa ng Diyos. Kaya lang, to be honest, medyo—one year na wala akong kumbaga show as a director or as an actor .”
Inamin niya ring naaksidente siya. “Nabangga kasi ako. [Pero] binigay naman no’ng bangko ‘yong insurance. Hindi ako bumili agad, usually ibibili mo agad. Pero natatakot ako. Paano ‘yong monthly? Andoon na nga iyong insecurity ko. Nong September, ano ako nabangga, September, October ako nabangga.”
Hindi naman dumating sa point na naging desperate ka na? Like, suicidal?
“Hindi naman suicidal. Inaamin ko, ‘dati umabot ako sa ganyan pero ngayon hindi naman. Despair, ‘di ko alam anong gagawin ko, hindi ko alam saan ako pupunta, nanghihina ako, umiiyak ako tuwing gabi. Nagdarasal ako habang umiiyak, ‘Lord, ang dami mong ibinigay na talent sa akin [pero] bakit wala akong trabaho? Anong gagawin ko?”
“Noong araw, sa ABS may walong soap opera, sabay-sabay nagte-taping. Ako, naexperience ko ‘yong dalawang show ko segue, segue. Noong araw, ang pelikula ko sa isang buwan [ay] tatlo, apat, o lima. Naexperince ko ‘yong sa isang buwan dalawang pelikula ang sino-shooting ko.”
Ngayon ba okay na okay ka na? Stable ka na? Financially, mentally…
“Again, ako ay may ipon naman talaga. So, after nitong Delia D, siguro kailangan magkaroon na ako ng regular job whether as an actor or director sa TV. Kinausap ko na ang Star Magic na after the Delia D, na again, alam niyo naman na maliit lang ang makukuha ko rito. Ang pinakaimportante, exposure—pero number two na lang ang exposure. Dahil sa Delia D, bumalik ang self confidence ni John Lapus. ‘Yong desperation ko nawala instantly. My self worth, bumalik. ‘Shet, importante ka pa rin, magaling ka pa rin, bakla. Don’t lose hope’, ayan ang ibinigay ng Delia D para sa akin,” pahabol pa niyang kuwento sa naitulong sa kanya ng Delia D.
Available na ang tickets for Delia D.: A Musical Featuring the Songs of Jonathan Manalo at TicketWorld, HelixPay, and Newport World Resorts Box Office.
Ang halaga ng tiket ay PHP 3,500 (SVIP), PHP 3,000 (VIP), PHP 2,500 (GOLD), PHP 1,800 (SILVER), at PHP 1,000 (BRONZE).
For inquiries, contact Customer Care at 7908-8888 or 0917-872-8237.
- Latest