Ruffa, iba na ang gusto sa buhay; naniniwalang hindi agad mabubuntis ang mga anak!

Ruffa

MANILA, Philippines — “Very different when I was younger. Ang da­ming controversies noon,” sabi ni Ruffa Gutierrez tungkol sa dalawa niyang anak na sina Lorin and Venice na parehong sa abroad na nag-aaral.

Katuwiran niya, ibang-iba na ang Generation Z kesa noong panahon niya.

“Natutuwa naman ako na ‘yung mga Gen Z ngayon wala sa isip ang pag-aasawa at saka ‘yung lovelife.

“Based on my knowledge ha they work harder, very career-oriented.

“Hindi katulad nung mga panahon natin na madali tayong ma-in love,” sabay tawa niya nung ipakilala si Ruffa bilang bagong Ambassador ng Luxe Skin care noong isang araw.

Kaya naman nagpapasalamat siya: “So, I’m very thankful na hindi ako binibigyan ng sakit ng ulo ng mga anak ko. Kasi talagang masipag silang mag-aral, they are very career-oriented. They want to start their own business, so for sure hindi ako magiging lola anytime soon,” dagdag pa ng actress na sa totoo lang ay mas pumayat ngayon.

One year to go at ga-graduate na ang el­dest ni Ruffa na si Lorin Bektas.

Kuwento pa niya, clean living na siya at tinanggal na lahat ng toxic sa kanyang buhay kaya aniya mas happy na siya ngayon.

Anyway, thirty years ago na pala since kumatawan siya sa Pilipinas sa Miss World.

Ganun na katagal. At aniya nga, hindi na niya nakikita ang sarili na muling sumasali sa pageantry, mas gusto niya raw maging mentor sa mga paparating na beauty queen.

Ayon pa sa 50-year-old na si Ruffa may mga natatanggap siyang mga offer na muling sumali sa mga beauty pageant pero ‘yun nga mas gugustuhin niyang tulungan ang mga naghahangad na maging beauty queen na gustong kumatawan sa Pilipinas sa mga international competition.

 “Ang daming offers sa akin through the years even during the pandemic, pinapasali nila ako sa ‘mom’ pageants. Honestly, I’ve been there, done that. I would love to mentor those who are starting in the industry and those who want to be a beauty queen,” sabi niya PA sa Q and A sa presscon.

Aniya, ayaw na niya ng ganun. Iba na raw ang gusto niya sa buhay.

“But I hail all the women that want to continue their legacy being a beauty queen. Maganda ngayon kasi pwede ka nang mag-all shapes and sizes, pwede ka nang maging mother. I embrace that because it goes with the times. For me, hindi na ako sasali,” pagdidiin niya sa interview

PBB collab, pasabog ang duo

Nagkasama-sama na nga sa loob ng Bahay ni Kuya ang mga Sparkle artists at Star Magic talents para sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition. At kagabi nga lang ay nalaman na nila ang biggest pasabog ni Kuya, ang dahilan kung bakit ito naging Collab – dahil ngayong season ay isang Kapuso at isang Kapamilya ang magi­ging magkakakampi sa lahat ng tasks, magiging nominado at magiging evicted housemates.

Kakailanganin nilang maging isang DUO. Kaya naman sa kauna-unahang pagkakataon, dalawang Big Winner ang tatanghalin sa PBB!

Nag-team up na nga sa loob sina Ashley Ortega at Ivana Alawi, AZ Martinez at Esnyr, Will Ashley at River Joseph, Josh Ford at Kira Balinger, Charlie Fleming at AC Bonifacio, Dustin Yu at Klarisse De Guzman, Mika Salamanca at Ralph De Leon, at sina Michael Sager at Brent Manalo.

Napapanood ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition gabi-gabi 10:00 p.m. sa GMA Prime at 6:15 p.m. pagkatapos ng 24 Oras Weekend. Mapapanood din ang All-Access Livestream via GMANetwork.com at iWantTFC from 8 a.m. –12mn.

Show comments