MANILA, Philippines — Nag-pass out pala si Rufa Mae Quinto sa NBI kaya nagkaroon ito ng pasa sa may bandang baba o chin.
Aniya sa interview ng ABS-CBN, sobrang stressed na rin ang dahilan.
Diretso sa NBI si Rufa Mae pagkadating ng bansa pero hindi siya nakaabot sa korte kaya hindi nakapag-piyansa. Kahapon lang siya nakabayad ng piyansa.
Pero aniya ay nakatulog naman siya sa NBI at binantayan siya ng mga andun.
Jetlagged din daw siya kasi.
Kinasuhan siya ng 14 counts ng paglabag sa Section 8 ng Securities Regulation Code kaugnay ng mga kasong isinampa ng mga investor laban sa skincare company na Dermacare.
Bukod sa kasong ito, sumabay rito ang problema ng kanyang mister na financial analyst, si Trevor Magallanes, na naglabas ng statement na nasa ‘process of divorce’ na sila ng sexy actress.
Pero napuri si Rufa Mae dahil mas matapang pa raw sa ibang pulitiko na takot ‘sumuko.’