Iwas si Sen. Win Gatchalian na pag-usapan ang tungkol sa hiwalayan nila ng ex-beauty queen-actress na si Bianca Manalo.
Nagkaroon ng pagkakataon na matanong ang senador kung totoo ba ang kumakalat na intrigang tapos na ang relasyon nila pero “secret” lang ang sagot nito sa tanong na kung meron daw ba itong kaakap noong holidays.
At nang ulitin ang tanong sa kanya at kung kumpirmado raw ba ang mga lumalabas na kwento tungkol sa kanila ng karelasyon ay tanging “no comment” lamang ang sagot nito.
Hindi raw siya nagkokomento sa personal life niya. Kaya tingin ng mga marites ay sapat na sagot na iyon bilang kumpirmasyong wala na nga talaga sila ni Bianca.
Ayon naman ibang mga netizen ay tama lamang ang ginawa nitong hindi pagsagot bilang senador at mas marami pa raw problema ang bansa natin na mas dapat pagtuunan ng pansin kesa personal na buhay niya.
Baka raw gusto lamang ng Senador na manggaling kay Bianca ang kumpirmasyon.
Habang ang iba naman ay baka naman daw may tampuhan ang dalawa at may chance pang maayos ang problema nila kaya ayaw magsalita ni Sen. Win.
Kaya hintayin na lamang natin kung may magsasalita o magkukumpirma sa kanilang dalawa.
‘PBBM solid ako’
Talagang kahit ano mangyari, siguro nga Marcos loyalist ako.
Para sa akin, masaya ako sa mga ginagawa niya at nagawa. Minsan nga naaawa na ako ‘pag nakikita kong pagod na pagod na ang mukha ni PBBM (Pres. Bongbong Marcos) sa rami ng problema na hinaharap niya para sa bayan.
Being a leader is a thankless job. Ang napapansin madalas ‘yung hindi maganda, at nalilimutan ang maganda at maayos mong nagawa. Pero kahit ano pang sabihin ng ibang tao, PBBM solid ako, Marcos forever, promise mahal kong Usec. Honey Rose, forever grateful.