Kakatuwa naman ang anak nina Luis Manzano at Jessy Mendiola na si Rosie. Laging nakangiti. Parang walang oras na umiiyak (sa mga post ng kanyang mga magulang at maging ng kanyang lola Vilma Santos).
May ganun, nag-absorb ng bata kung anong vibes sa kanilang tahanan.
Malakas ang impluwensiya sa bahay sa nagiging up bringing sa mga kabataan.
Kasi natural kung malungkot ang paligid mo, magiging malungkot din ang paglaki mo.
Kaya importante ang kapaligiran ng mga bata sa nagiging ugali nila sa paglaki.
At sa totoo lang, ang bilis talaga ng panahon.
Dalawang taon na pala ito at nag-birthday days ago.
At bongga ang birthday niya. Ayon nga kay Jessy : “Our little @isabellarosemanzano had so much fun during her 2nd birthday celebration a few weeks ago!
Seeing that smile on her face is priceless. Thank you to everyone who joined us on her special day!”
At ang daming sponsor noh. Mukhang walang ginastos sina Luis at Jessy.
Tiyak ko kumita pa si Rosie dahil sa lola Vilma pa lang niya malaki na, sure ako, ang give.
‘Yun talaga ang naisip ko, ‘yung give ni lola Vi.
Bata give, mabilis ang radar ko noh.