Geneva, in love sa atleta
Hindi pala kulay blue ang Pasko ni Geneva Cruz dahil may nagpapangiti na sa kanya. Ito ay si Dean Roxas, isang jiu-jitsu national athlete and SEA Games gold medalist. “I have opened myself to love once again. I think that’s pretty special. For many years, since 2020, sarado talaga. But this year, I’m just really happy and grateful,” masayang tugon ni Gen.
Kasama niya ang boyfriend sa music video ng holiday single niya na When Christmas Comes. “He’s a national athlete. I’m very, very proud of him. He inspires me to be better in life and, you know, ‘yung mga positive reinforcements galing din sa kanya. Basta I’m happier. ‘Yun ang kaibahan ng Christmas ko this year,” ngiti pa niya.
Kinasal si Geneva kay Paco Arespacochaga in 1995 at na-annul sila in 2001. May anak sila na si Heaven. Second husband niya si KC Montero in 2004 at naghiwalay sila in 2012.
May anak naman na babae si Geneva named London sa ex-boyfriend nito na si Lee Paulsen.
Rapper na si Jay-Z, tinanggi ang panggagahasa
Nakaharap sa reklamong rape ang rapper na si Jay-Z. Inireklamo siya ng babae na ginahasa raw niya sa isang party noong 2000 when she 13 years old at kasama pa raw si Sean “Diddy” Combs.
Sa social media post, pinabulaanan ni Jay-Z ang alegasyon sa kanya at “blackmail attempt” daw ito mula sa abogado ng nag-aakusa.
Noong October 2024 pa unang inihain ang kaso sa Southern District of New York. Hindi pa pinangalanan si Jay-Z that time. Sa inamyendahang kaso sa federal court, sinabi na siya ang tinutukoy na “Celebrity A” sa orihinal na reklamo.
Pinagdroga at ginahasa umano ng dalawang celebrity ang dalagita na hindi pinangalanan. Nangyari umano ang krimen sa isang party na pinangunahan ni Combs matapos ang MTV Music Awards noong 2000 na ginanap sa New York.
Hindi pa sumasagot ang legal counsel ni Jay-Z patungkol sa kasong sinampa rito.
- Latest