Mas mababait daw ang hitsura Heart, namudmod ng Hermes bag sa kanyang team!

Heart

Ang bongga naman ni Heart Evangelista na may maaga na agad pamasko sa kanyang glam team na Hermes bags.

Talagang pinahahalagahan ng Global Fashion Icon ang kanyang team at hindi nga lang empleyado ang turing niya sa mga ito kundi mga kaibigan.

Kabilang nga rito ang Sparkle assistant manager, stylist, hairstylist, make-up artist at kanyang long-time personal assistant.

Makikita sa post ng kanyang stylist ang litrato ng magkakaibang kulay ng Hermes bags na regalo sa kanila bilang pasasalamat.

Best gift of the season nga raw ito ayon sa kanyang stylist at “straight from the HEART” daw. Blessed daw sila na minamahal sila ng misis ni Sen. Chiz Escudero.

Nagkomento nga si Heart sa post at sinabing ang pag-spoil sa kanila ng mamahaling mga regalo ay hindi pa sapat para pasalamatan niya ang mga ito sa kanilang serbisyo.

Sobrang generous nga raw talaga ni Heart sa kanyang glam team.

Pansin naman ng netizens ay mas mukhang grounded ang kasalukuyan niyang glam team at hindi na mukhang entitled na parang influencer. Sey naman ng iba ay mas lowkey na raw talaga ang aura ng team niya ngayon.

Samantala, kaya patuloy rin ang dating ng blessings sa kanya ay dahil binabahagi niya ito. 

Sosyal talaga si Heart.

Show comments