Justin at Stell, nanggulat sa SB90S!

Stell at Streetboys
STAR/ File

Hindi naiwasan ng veteran award-winning director na si Chino Roño na mapaiyak sa first reunion dance concert ng kanyang mga alaga (talents) since 1993, ang legendary dance icons na Streetboys last Friday evening, Nov. 8, 2024 na ginanap sa New Frontier Theater in Quezon City.

Hindi rin naiwasan ng mga miyembro ng Streetboys na maging emotional dahil na rin sa turnout at warm reception ng audience na majority ay nagmula sa panahon ng dekada nobenta.

They were in their teens nang sila’y maging miyembro ng Streetboys na binuo ni Direk Chito Roño para itapat sa hot male dance groups noon, ang Universal Motion Dancers (UMD) at OctoManoeuvres.  Ngayon ay nasa early 40s to their late 40s na ang grupo pero wala pa ring ipinagbago ang kanilang husay sa dance floor laluna sa kanilang mga death-defying and acrobatic dance moves na sa kanila lamang tumatak.

Sa 11 members, masasabing sina Vhong Navarro at Jhong Hilario ang tinilian nang husto pero hindi pa rin nawala ang mainit na pagtanggap kina Spencer Reyes at Danilo Barrios na unang sumikat noon sa grupo.

Ang iba pang members ng grupo ay sina Meynard Marcellano (na siyang leader noon ng grupo), Joey Andres, Chris Cruz, Michael Sesmundo, Joseph de Leon, Nicko Manalo at Sherwin Roux.

Since marami sa audience ay mga batang ‘90s, relate na relate sila sa mga dance hits  nung dekada nobenta na pinasikat at tumatak sa grupo tulad ng Just Say Hey, Get Up! Go Insane!, Dance of Love, My Boo, Ecstacy Extano, Lick It, Friends, at iba pa.

Grabe ang energy at electrifying moves ang ipinamalas ng Streetboys maging ang iba nilang guest dancers. Nasorpresa naman ang audience sa paglitaw nina Justin at Stell ng SB19 sa isang hot production dance number with the Streetboys na walang kapaguran sa kanilang iba’t ibang acrobatic dance moves.

Samantala, namataan sa audience ang ex at present wife ni Vhong na sina Bianca Lapus at Tanya Bautista maging ang dalawang anak na parehong lalake ng dancer, actor-comedian at host na sina Yce at Frederick Navarro. Pinangunahan naman ni Vice Ganda ang It’s Showtime family sa mga dumalo sa dance concert na kinabibilangan nina Vhong at Jhong.

Namataan din namin doon ang actress, host at entrepreneur na si Gladys Reyes, ang isa sa top executives ng ABS-CBN na si Cory Vidanes at marami pang iba. Naroon siyempre ang producer ng dance concert na si Ogie Alcasid kasama ang kanyang wife, ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez na sobra ring nag-enjoy sa kauna-unahang reunion concert ng Streetboys.

Show comments