Budol, naranasang ‘pugutan’ ng ulo!
Minsan na raw nasabihan si Herlene Budol o Hipon Girl na nakita raw siya diumano ng isang tao na walang ulo.
Kasabihan nga sa ating mga Pilipino na kailangang mag-ingat ang isang tao kapag nakita siyang walang ulo dahil maaaring pahiwatig daw ito na may panganib na mangyayari rito.
Ikinuwento ni Budol ang nangyari nang may tumapik sa kanyang isang lalake habang naglalakad siya at pinauuwi siya nito.
Hindi raw niya ito kilala at tinapik lamang siya nito. Malumanay raw at kalmado na sinabi sa kanya nito na “‘Ne uwi ka na wala kang ulo.”
Sinunod niya ito at umuwi nga siya. Isang linggo raw siyang hindi pinalabas ng bahay nila bilang pag-iingat.
Pinayuhan din daw siya ng tatay niya na sunugin ang sinuot niyang damit ng araw na makita siyang walang ulo at sinunod naman din niya.
Ayon sa isang anthropologist ay nagmula pa raw noong panahong ng pananakop ng mga Kastila ang paniniwala ng mga Pinoy tungkol sa taong nakitang pugot ang ulo.
Marami raw kasi sa mga Pinoy noon ang nakaranas ng pagpugot ng ulo lalo na ang mga pari. At naging kwentong bayan na raw ito kaya raw may “chill factor” na kapag nakakakita ng pugot na ulo dahil sa paniniwalang maaaring mamatay.
Pero ang mas dapat gawin kapag nangyari ang ganito ay magdasal sa Panginoon. Mas importante ang dasal kesa sa anumang paniniwala.
- Latest