^

Pang Movies

Julia, matagal napahinga sa TV

RATED A. - Aster Amoyo - Pang-masa

Malapit nang mapanood ang local adaptation ng Mother, ang kilalang family drama series in Japan na ginawang Saving Grace ng ABS-CBN and Dreamscape Entertainment at tinatampukan nina Julia Montes, Sharon Cuneta, Sam Milby kasama sina Janice de Belen, Christian Bables, Jennica Garcia, Zia Grace at iba pa which will premiere on Prime Video on Nov. 28, 2024 na mapapanood sa Pilipinas and in 240 other countries and territories.

Bukod sa kanyang special guest appearance sa FPJ’s Ang Probinsyano nung 2022, matagal-tagal na ring hindi napapanood si Julia in a TV series na siya mismo ang pangunahing bituin. Last year ay napanood siya sa isang hit movie with Alden Richards, ang Five Breakups and a Romance mula sa panulat at direksiyon ni Irene Villamor.

Bukod sa bagong TV series, si Julia ay mapapanood din sa 50th Metro Manila Film entry, ang action-drama na Topak na pinagtatambalan nila ni Arjo Atayde.

Jhong, mas piniling alagaan ang anak 

Tiyak na dadagsain ang New Frontier Theater in Quezon City sa darating na Nov. 8, Friday, at 8 p.m. para sa reunion dance concert ng The Streetboys celebrating their 31st year in the business.

Sa ibang bansa man naka-base ang ibang miyembro ng The Streetboys, umuwi ang mga ito ng Pilipinas for their very rare dance reunion concert na magaganap sa New Frontier Theater in Quezon City ngayong Nov. 8, 2024.

Sa siyam na miyembro ng The Streetboys, tanging si Jhong Hilario lamang ang pumasok sa larangan ng pulitika. Unfortunately, hindi siya tatakbo sa anumang public office position sa darating na mid-term elections in May 2024 to focus on his showbiz career at sa kanyang pamilya laluna sa kanyang nag-iisang anak na si Sarina na ngayon pa lamang ay kinagigiliwan na ng marami.

JULIA MONTES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with