MANILA, Philippines — Kinumpirma na ng TV5 na ang bagong host ng Face To Face: Harapan ay si Korina Sanchez-Roxas!
Ito ay isang pasabog na matagal nang hinihintay ng kanyang mga tagasuporta at manonood.
Almost a month ago nang may magkuwento sa amin ng pagpalit ni Ms. Korina kay Karla Estrada sa nasabing talak-serye.
Yup, ang Face To Face ay muling magbabalik bilang Face To Face: Harapan simula Nobyembre 11 at mapapanood sa Hapon Champion afternoon block.
Ngayong si Korina na ang host ng programa, inaasahan ang mas matitindi pang mga bangayan at mas malalim na mga resolusyon sa mas exciting na “barangay hall on-air.”
Kilala si Korina sa kanyang walang sawang pagbibigay-boses sa mga isyung mahalaga sa bayan, at sa kanyang natatanging kakayahang makipag-ugnayan sa publiko. “Magkakaharapan na,” pahayag ni Korina sa video na ni-release ng TV5.
Dagdag pa niya: “Ikaw, may mukha ka bang ihaharap?”
Sa produksyon ng MQuest Ventures at Cignal TV, ang Face To Face: Harapan ay maghahatid ng engaging confrontations na aantig sa damdamin ng mga manonood.