Kathryn, kailangang wasakin ang sariling record!

Kathryn

Sinabi ni Kathryn Bernardo na ready to love again na siya.

Ok lang naman pero ang sagot parang promong-promo ng pelikula niya. Hindi mo naman siya masisisi kung ganun dahil ang kalaban niya ay sarili niyang record.

Hinawakan niya ang pagkakaroon ng highest grossing film in history, pero hindi tumagal, naagaw sa kanya ni Marian Rivera at Dingdong Dantes, sa pelikulang Rewind.

Ang nagpabigat pa ng laban ni Kathryn ngayon, naging mala­king hit ulit ang pelikula ni Marian na Balota. Maaaring sabihin na ginawa kasing bargain ang admission prices, pero hindi pinag-uusapan iyong bargain, gawin man nila iyang “buy one take one,” ang importante puno ang sinehan at kumita.

Kumita rin ang pelikula nina Julia Barretto at Joshua Garcia.

Kaya ang pelikula ngayon nina Kathryn at Alden Richards ay inaabangan kung kikita na kagaya sa nauna nilang tambalan.

Anlaking pressure nga. Pero ang advantage nila, ipapalabas ito sa maraming bansa na hindi nagawa ng ibang pelikula.

Anne, may hinahanap!

Pati si Anne Curtis nagpahayag ng pagkadismaya sa kung papano ginagamit ang pambansang budget.

Dati hindi natin nakikita kung paano nilulustay ang mga binabayad na buwis ng bawat isa sa atin.

Pero iba na ngayon dahil sa live streaming na inilalabas sa social media. Mahirap nang itago ang pandarambong.

Actress, nilayasan ng aktor dahil sa sobrang kaelyahan

Hindi talaga matahimik ang isang female star at hindi maiwasang kahit na kanino ay ikuwento ang kanyang pagkainis. Matagal na rin naman siyang bakante, wala siyang syota simula noong isplitan siya ng karelasyon niyang poging basketball player.

Finally may nahanap siya, mas pogi, mas bagets, kalabisan na nga sigurong sabihin na mas guwapo at mas sexy pa.

Ok na sana siya, kaya lang nalaman niya na ang pogi palang nakasama niya minsan ay sinyota na ng isang bading na aktor. Oo good-looking naman ang bading na aktor, sikat at madatung, pero babae siya, mas bata at maganda, hindi man ganoon karami ang datung niya kaya rin niyang tapatan ang igini-give ni bading.

Walang kamalay-malay si female star na ang pogi palang bagets ay tinakot ni bading, at sinabing “ang babaeng iyan, maniac, kaya iniwan ng dati niyang syota ang gusto niya gabi-gabi magse-sex sila. Babae nga at datungera pa, pero matutuyuan ka diyan, boy, kaya sa akin ka na lang,” at mas pinili nga ng bagets ang aktor na bading.

Ang sumpa pa ng female star, “magkaroon sana ng infection basta pinasok niya si bading.”

Pero nagtatawa lang daw nang malakas ang bading at nagsabing hindi tatalab sa kanila ang sumpa maski sabayan pa ng kandilang itim na hugis tao.

Show comments