Tumibay sa breakup nila ni Daniel

Daniel

Ready na si Kathryn Bernardo to fall in love again.

Ito ang diretsong inamin ng aktres sa kanyang panayam sa Fast Talk with Boy Abunda last Monday.

Sa nasabing panayam ay tinanong ni King of Talk Boy Abunda, ang bilis ng sagot ng aktres.

“Yes! Kahapon pa! Reding-ready na, yes!” ang masayang wika ni Kath.

Sinagot din ng leading lady ni Alden Richards sa Hello, Love Again ang iba pang katanungan about love at dito ay nagsalita ang aktres tungkol sa naging relasyon nila ni Daniel Padilla.

“I’ve only been to one relationship that lasted for 11 years. I’ve learned so much from my past relationship. I’m talking about growth, I’m talking about being unselfish, about gratitude, dreams and all. Lumaki ako sa 11 years ng relationship na ‘yun. So, during that 11 years, I’m learning,” pahayag ni Kathryn.

Ayon pa sa aktres, maging sa breakup daw nila ni DJ (Daniel) ay marami siyang natutunan.

When asked kung ano ang nadiskubre niya sa sarili niya after the 11 years, ani Kath, “I think it’s safe to say na I’m pretty strong. I didn’t expect myself… I think all the people here didn’t expect that I will handle it that way. Me, too. I didn’t expect it.”

Sa tanong kung ano ang advice na maibibigay niya sa ‘Little Kath’ noong nagsisimula pa lang ang relasyon nila ni Daniel, ayon sa aktres ay wala raw dahil wala siyang regrets sa nangyari sa kanila.

Ryan, natameme kay Yeng!

Nakakatuwa ang naging paghaharap nina Yeng Constantino at Ryan Bang sa It’s Showtime kahapon, Tuesday.

Sa mga hindi nakakaa­lam, umamin si Ryan sa isang dating panayam na niligawan niya si Yeng noong 2010 na dalaga pa ito.

Sa pagkikita nila sa It’s Showtime ay kinantiyawan sila ni Darren Espanto.

“May nagre-request. Baka naman sa kasal niya daw, pwede kang kumanta,” sabi ni Darren na ang tinutukoy ay ang nalalapit na kasal ni Ryan with fiancee Paola Huyong.

Sabi naman ni Yeng, “Madlang people, ako naghihintay lang ako ng invitation, eh.”

Tanong ni Ryan sa kanya, “Pupunta ka, punta ka sa kasal ko?”

Sagot naman ni Yeng ay pupunta siya at masaya raw siya para kay Ryan.

“Pupunta ako. Gusto n’yo sa bahay n’yo puntahan ko kayong dalawa. Ang saya ko para sa ‘yo. Blooming (sabay-turo kay Ryan) eh, blooming,” sabi ni Yeng.

Abut-abot na kantyaw ang inabot ni Ryan mula sa co-hosts dahil hindi ito agad makapagsalita.

Show comments