^

Pang Movies

Heart sa Global Fashion Icon, napi-pressure

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Heart sa Global Fashion Icon, napi-pressure
Heart Evangelista

Hindi ang isyu sa kanila ng former glam team niya o ang ini-ima­gine ng karamihan na isyu sa kanila ni Pia Wurtzbach ang nagbibigay ng pressure kay Heart Evangelista. Nasabi na kasi nito na walang isyu sa kanila ni Pia at ‘yung sa former glam team niya, nakapag-move on na siya.

Ang nagbibigay pressure kay Heart ay ang title niyang Global Fashion Icon dahil mabigat ang title na ito at kailangan niyang i-maintain. Bukod doon, kailangan ding updated siya sa fashion world na actually, hindi problema kay Heart dahil lagi siyang on point when it comes to fashion.

“I’m very flattered, but I’m pressured,” sagot ni Heart. Nabanggit na rin nito na kaya siya dumalo sa Paris Fashion Week dahil na-pressure siya sa ratings.

“And to put a number or ranking makes it a little bit bittersweet for me because you know how when you’re actors and you’re always like the best friend, you’re always gonna be in every movie. But if you’re the bida, sometimes there’s a timeframe I don’t have a timeframe. I just wanna be here.”

Para maiwasang ma-pressure, hindi na lang iniisip ni Heart ang numbers o ang maging on top at ini-enjoy na lang kung anuman ang nangyayari. Pero, walang ka-presurre-pressure ang pagna-number one niya sa Launchmetrics’ list sa Paris Fashion Week at mauulit pa ito sa mga susunod na dadaluhang fashion week.

Anyway, hindi muna magpapa-pressure si Heart, focus muna siya sa airing ng docu series niyang Heart World na mapapanood na bukas, October 26, sa GMA-7.

Yassi, dawit sa pamba-bash sa karelasyong pulitiko

Sinugod ng mga netizens ang Instagram ni Yassi Pressman para ipaabot ang kanilang hinaing, at disappointment sa kanya at sa boyfriend nitong si Carmarines Sur Governor Luigi Villafuerte. Ang kasalanan ng dalawa, nasa Siargao sila nang hagupitin ng bagyong Kristine ang CamSur.

Kahit nag-post na ang gobernador at si Yassi ng update sa rescue effort at emergency hotlines at nag-update si Gov. Luigi ng mga na-rescue at na-evacuate nila, kinol out pa rin siya.

Mga comment na dapat daw hindi na umalis sa Camarines Sur si Gov. Luigi para mabilis niyang naaksyunan ang pagbaha at mga naapektuhan ng bagyo. Granted na hindi nila alam na babagyuhin ang CamSur, dapat daw mabilis na bumalik ng CamSur si Luigi.

Hindi kagandahan ang mga comment na “ Hope ur doing well in Siargao while Camsur is drowning.” May comment pang “Beh kumusta Siargao? Pauwiin mo muna jowal mo sa Camsur,” sinundan ng galit na comment na “Sabihin mo sa jowa mo na magtrabaho naman siya” sa sarcastic comment na “Enjoy teh?” at “Pagalaw naman kamo ng baso yung jowa mo!”

Nakabalik naman yata agad sa CamSur ang gobernador at nagawa o ginagawa na ang kanyang trabaho.

HEART EVANGELISTA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with