Jodi, nadurog ang puso sa mass lay-off ng ABS-CBN!

Jodi

Ikinadurog ng puso ni Jodi Sta. Maria na nagbawas na naman ng mga empleyado ang ABS-CBN na epekto pa rin ng pagkawala ng franchise ng network in 2020.

Ipinost ni Jodi sa kanyang X account ang news item ng isang pahayagan na nagsasaad na 100 wor­kers na naman ang na-lay-off sa ABS-CBN.

“ABS-CBN has cut 100 jobs this month as the fallout from the loss of its television franchise in 2020,” ang nakasaad sa post ng pahayagan.

Caption ni Jodi tungkol dito, “heatbreaking.”

Maging ang netizens ay nalungkot sa balita at inayunan ang aktres. Naiintindihan nila ang sakit nararamdaman ni Jodi.

Zanjoe, sinupalpal ang fake news peddlers!

Nakakalungkot naman na pati ang bagong silang na anak ng mag-asawang Zanjoe Marudo at Ria Atayde ay pinagkakakitaan ng fake news peddlers.

Kaya naman nagbigay na ng babala sa publiko si Zanjoe laban sa vloggers at content creators na naglalabas ng fake news tungkol sa kanyang pamilya.

Nag-post si Zanjoe sa kanyang official Facebook account ng warning tungkol sa mga nagpapakalat ng maling impormasyon at pekeng balita sa social media.

May netizens kasi na nagpo-post sa socmed ng mga maling litrato at video ng baby nila ni Ria.

“Please be guided accordingly. There are irresponsible bloggers using misinformations just to earn. They mislead readers and viewers with their clickbaits,” pahayag ni Zanjoe.

Nakasaad din sa post ng aktor na hindi pa sila nagpapa-face reveal kay baby Marudo kaya hindi totoo ang mga lumalabas na larawan ng kanilang baby.

“Sa mga bloggers, huwag kumita sa false information. Sa mga readers or viewers huwag maniwala kung HINDI RELIABLE ang mga sources,” ang nakasaad sa post ni Zanjoe.

Show comments