Former Ms. Earth, sanay nang okrayin
Immuned na raw si Roxie Smith sa mga bashing ng mga netizens sa kanya dahil sa kontrabida role niya sa local adaptation ng K drama na Shining Inheritance.
Ayon sa former Miss Earth Philippines 2020, mas malala pa raw ang bashing na natanggap niya nung sumasali siya sa pageants. Kaya natuto raw siyang dedmahin ang mga pintas sa kanya.
“Mas masakit ‘yung bashing noong pageant days ko. Personal ‘yung atake at dinadamay yung family ko. Na-experience ko na makurot ng fan,” sey ni Roxie na kontrabida sa ginagampanang papel ni Kate Valdez.
Kasama si Roxie ang iba pang Sparkle artists sa 3rd Anniversary ng Regal Studio Presents. Nasa episode na Remboy Dreamboy si Roxie kasama si Prince Carlos.
Fans ni miss Cosmo Ph, ‘di pa tanggap ang kapalaran
Hindi pa rin matanggap ng mga pageant fans ang pagkatalo ng ating Philippine representative sa first Miss Cosmo International na si Ahtisa Manalo. Ginanap ang naturang pageant sa Saigon Riverside Park in Ho Chi Minh City, Vietnam.
Umabot sa Top 10 si Ahtisa at nakuha ang dalawang special awards: Cosmo People’s Choice Award at Cosmo Tea Culture Tourism Ambassador.
Si Miss Indonesia Ketut Permata Juliastrid ang nagwagi bilang first Miss Cosmo International. Ang first runner-up ay si Miss Thailand Karnruethai Tassabut.
Sa mga nakapanood ng pageant sa Vietnam, malakas daw talaga ang dating ni Miss Indonesia at nangabog ito sa swimsuit at evening gown competition. Pagdating sa Q&A, mahusay ang sagot nito tungkol sa kanyang advocacy na sustainable tourism.
Isang model at graduate ng kursong Applied Design sa Bali Institute of Design and Business ang beauty queen. Nag-aral din siya ng management sa Udayana University in Bali.
Anne, bubuhayin si Queen Mia
Kinumpirma ni Anne Hathaway ang pagbabalik niya as Queen Mia Thermopolis of Genovia sa The Princess Diaries 3 sa pamamagitan ng isang post sa Instagram.
“Miracles happen once in a while when you believe! The fairy tale continues,” caption ng Oscar winner at sinamahan niya ng short video mula sa unang Princess Diaries film.
Breakout role ni Anne ang The Princess Diaries in 2001. Ang part 2 ay pinalabas in 2004. Makakasama ulit ni Anne sa part 3 sina Hector Elizondo, Heather Matarazzo, Caroline Goodall, Sean O’Bryan, and Julie Andrews as Queen Clarisse Renaldi.
- Latest