Olivia Rodrigo hindi umarte, nakipag-selfie sa Intramuros

Olivia Rodrigo
The STAR/ File

“Halo-halo secured!!!!” post ng Fil-Am pop superstar Olivia Rodrigo pagdating niya ng Pilipinas.

 “So excited to be in the Philippines,” dagdag niya na may kasamang purple hearts sa halu-halo.

Bitbit niyang dumating sa bansa ang boyfriend na English actor Louis Partridge.

Ngayong araw magaganap ang Manila Silver Star Show (Guts World Tour), sa Philippine Arena, ni Olivia. At handa na ang mga may hawak ng ticket.

Plano nila, madaling araw pa lang ay bumiyahe na sa Philippine Arena, Bulacan, para maka-secure ng parking at upuan.

 Dahil P1,500 ang ticket ng lahat, kaya first come first served basis ang sistema. Pero may registration ang mga manonood.

Ang daming natuwa sa naging decision ng production ni Olivia na P1,500 lang ang presyo ng ticket.

Ang laking kamurahan sa ibang local artist natin.

Anyway, kahapon ay namasyal sa Intramuros si Olivia at pinagbigyan ang ibang naki-selfie.

Kabilang sa mga pinasikat na kanta ng Grammy Award winner ang drivers license, traitor, and deja vu. Pinoy ang kanyang ama habang German-Irish ang ina.

Jessy, nagsalita sa naging desisyon ni Lucky

Naniniwala si Jessy Mendiola, misis ni Lucky Manzano na hindi bahagi ng kanilang plano ngunit ang Diyos ay may iba pang mga plano para sa kanila.

Ito ang buod ng sinabi niya tungkol sa desisyon ng mister na kumandidato bilang vice governor sa Batangas katambal ang inang si Vilma Santos.

“This wasn’t part of our plan but God had other plans for us.

“Isa ka sa pinaka-masipag, maalaga at mapagbigay na tao na kilala ko. Kahit noon pa man, palagi mong iniisip kapakanan ng ibang tao. Mahilig kang tumulong at makinig sa iba kahit pa walang kapalit na ano pa man, hindi mo gusto na binabanggit yung pangalan mo o pinapaalam pa sa taong tinutulungan mo. Minsan tumatanggap ka ng trabaho kahit na pagod na pagod ka na dahil may pinangakuan kang tutulungan. Alam namin yan at kahit lahat ng mga katrabaho mo, alam nila kung gaano ka ka mapagbigay. Ang puso mo ay napakalinis at yun ang isa sa rason kung bakit kita minamahal.

“Alam kong hindi ito parte ng plano natin pero andito ako para suportahan ka kahit ano pa man ang mangyari. Isang malaking pagbabago ito sa buhay natin at alam kong mabuting pagbabago ito. Marami kaming nakasuporta sayo, Love.

“I am extremely proud of you for choosing this path, the path to help make a change and extend help to others. You are made for this. Mararanasan na ng iba ang alagang “LUCKY” na ilang taon ko na rin nararanasan. Ang SWERTE namin sayo,” bahagi ng post ni Jessy.

Hindi lahat ay positibo ang reaction sa kandidatura nilang mag-ina at kapatid na si Ryan Christian Recto.

Political dynasty na raw ito.

Pero sa totoo lang naman, ang daming pami-pamilya na namumuno sa ating bayan.

Kaya kung dynasty ang pag-uusapan, hindi na ito bago sa ating bayan.

Show comments