TAPE, gagawa ulit ng noontime show?!

Ngayong nagbalik na si Malou Choa Fagar, maaari na gumawa ng mas matinong show ang TAPE Inc. Hindi na nila mapapabalik diyan ang TVJ, pero at least baka makadiskubre sila ng bagong pasisikatin.

Kung makukuha ulit ni Malou ang dating noontime slot ng GMA 7, at makakahanap ng mas matitinong hosts na hindi antipatiko ang dating baka mas maganda pa para sa GMA.

Sa kasalukuyan ay It’s Showtime ang napapanood sa GMA.

Abangan natin dahil ang sabi ay hanggang December na lang ang contract ng Showtime sa GMA.    

Vilma, inaming kailangan si Luis sa posisyon

Nagpaliwanag si Vilma Santos sa sinasabi ng ilang mga kritikong sila ay may political monopoly rin sa Batangas. Mukha raw isang political dynasty nang sabay-sabay pang mag-file ng COC ang mag-iina. Wala pang masyadong sinasabi laban kay Ryan Christian Recto na tatakbong congressman sa Lipa.

Ipinaliwanag naman ni Ate Vi na kailangan niya ang tulong ng kanyang anak na si Luis para sa mas mabilis na koordinasyon ng mga proyekto lalo na sa panahong ito ng internet at social media. Mas alam nga naman ng mga kabataan ang strategy na iyan, at naniniwala siya na mas mapapabilis ang paghahatid ng serbisyo kung magagamit niya ang makabagong pamamaraang iyan, at ayaw naman niyang ipagkatiwala sa kung sino lamang sa staff niya. Isa pa kabisado na ni Luis kung ano ang kanyang kilos lalo na kung may mga kalamidad, at malaking bagay iyon lalo na para sa relief and rescue operations.

Sandro, walang isyu sa Kapuso

Natawa naman kami sa kuwestiyon kung bakit daw nag-guest si Sandro Muhlach sa show ni Dingdong Dantes sa GMA 7.

Bakit ano ba ang problema niya sa GMA 7? Wala naman eh, ang inireklamo niya ay sina Dode Cruz at Jojo Nones na taga-GMA 7 hindi naman ang GMA 7 mismo. Ang katuwiran ni Sandro, nai-tape na raw kasi iyon bago pa mangyari ang gulo. Eh ano kung hindi? Sabihin mang bagong gawa lamang iyon, ano nga ang problema?

Gusto ba nilang patunayan na malakas ang samahan ng mga bakla sa GMA 7 at basta kinalaban mo ang sino man sa kanila ay haharangin na nila ang career mo sa network?

Naniniwala ako na hindi pahahawak ang management ng Kapuso Network sa mga ganyang sistema.

Ang mali ay mali, at ang tama dapat ay tama.

 

Show comments