KathDen, may midnight screening agad!

Kathryn Bernardo at Alden Richards

Ngayong araw ang simula ng mall tour nina Kathryn Bernardo at Alden Richards para sa Nov. 13, 2024, showing ng movie nilang Hello, Love Again. Gagawin sa Ayala Malls Solenad Nuvali sa Sta. Rosa, Laguna ang nationwide tour at kasabay nito ang reveal ng official poster ng movie.

Sa Oct. 8, ang susunod nilang mall tour sa Vista Mall sa Taguig, may mall tour sila sa Bulacan, Pampanga, Cavite, GenSan, Koronadal sa Cotabota. May three malls silang bibisitahin sa Cebu City, bago ang premiere night sa Nov.12, sa SM Megamall.

Bago ang regular showing, nag-announce na ang midnight screenings ang Megaworld Cinemas, kaya mapapanood sa Nov. 13, 12:08 midnight sa Uptown, Newport, Eastwood at Lucky Chinatown cinemas ang HLA.

Sumunod na nag-announce ng midnight screenings ng HLA ang Ayala Malls, kaya mapapanood din sa malls nila gaya ng Trinoma ang HLA. Hindi nagpahuli ang SM Cinema, nag-announce rin sila ng midnight screening sa Nov. 13, 12:01 at sa 33 cinemas nila naka-schedule ang midnight screening.

Maaga nitong rarampa ang KathDen fans, ang fans ni Kathryn at fans ni Alden at baka ang iba, sa malls na magpalipas ng umaga para sila na rin ang magbukas ng mga sinehan. Masaya ito, be there sa participating cinemas.

Olivia, araw-araw kumakain ng adobo at lumpia!

Sa interview ng GMA Integrated News kay Olivia Rodrigo, nabanggit na halos araw-araw siyang kumakain ng adobo at lumpia, ito raw ang madalas lutuin sa bahay nila. Dahil ito sa Filipino ang dad niya.

Kabilang naman sa una niyang in-order at kinain pagdating sa bansa ay halo-halo. Pinost nito sa kanyang Instagram Story ang bowl ng halo-halo na makikita na may ube at cheese ice cream sa ibabaw.

Ngayong Sabado ang Guts concert ni Olivia at kahit nagkaroon ng pre-ticket selling, marami pa rin ang pumila sa ticket booth ng Philippine Arena para bumili ng tiket. Aabot daw sa 700K ang pumila para makabili ng tiket.

Kasama pala ni Olivia sa Pilipinas ang boyfriend niyang si Louis Partridge na isang British actor. May nag-comment na sila ang younger version nina Taylor Swift at bf nitong si Travis Kelce.

Mag-inang Roselle at Keith, tinupad ang pangako

Present ang mag-inang Roselle Monteverde at Keith Monteverde sa mediacon ng three years ng Regal Studio Presents na umeere sa GMA 7. Tinupad ng mag-ina ang pangako na ipagpapatuloy nila ang Regal Entertainment at nagpasalamat sa patuloy na sumusuporta sa kanila.

Three years na nga ang Regal Studio Presents at sabi ni director Easy Ferrer, mas maganda at out of the box ang stories na kanilang ibibigay sa loyal viewers ng series na napapanood, every Sunday, 4:15 p.m., sa GMA 7.

Present din ang Kapuso stars na gumanap at gaganap sa upcoming episodes. Gaya ni Jon Lucas na tampok sa Stuck on You episode kasama si Faith Da Silva. Ang nasabing episode ang nag-kickoff sa third anniversary ng Regal Studio Presents.

Nagpapasalamat si Jon sa Regal dahil kinuha siya sa mga pelikula and in the process, nakatrabaho ang mga actor, directors at production people na malaki ang naitulong sa kanyang career.

Umaasa siya na makakabalik sa Regal Studio Presents at wish nitong, action series ang ibigay sa kanya. Mas lalo nitong nagustuhan ang action after maging parte ng Black Rider.

Show comments