Talagang nakakagulat ang tawag ng pulitika.
Ang unang nabigla kami, nanumpa bilang miyembro ng Nationalist People’s Coalition si Ion Perez at tatakbo raw konsehal sa Tarlac.
At ang sabi-sabi, kayang ipanalo ni Vice si Ion na hindi malayong mangyari.
Si Enchong Dee, nagharap na rin daw ng COC.
Si Marco Gumabao, tatakbo rin daw sa Cam Sur.
Ang pamilya ni Marco lalo na ang ermat niya ay may karanasan sa kampanya at pulitika dahil ang tatay niyang si Dennis Roldan ay naging konsehal at nang malaunan ay congressman pa ng Quezon City, nasangkot nga lang sa kidnap for ransom kaya nakulong.
Pero sa totoo lang dapat bago sumali sa ganyan, tumakbo muna at maglingkod bilang barangay chairman man lang. Sasabak agad sa malakasan eh hindi pa naman sigurado.
Naalala tuloy namin ang madalas na biro noong araw ni Rico Puno, “Mahina ang kita sa showbiz ngayon eh, kaya sa graft and corruption muna tayo.”
Pero iyon naman ay biro lang, at walang particular na pinatatamaan, huwag naman sanang gawing totohanan.
Liza, sa Singapore nakahanap ng bagong manager
Aywan kung ano ang naghihintay kay Liza Soberano ngayong pumirma na siya sa ilamin ng management ng Wild sa Singapore. Pero ang sabi nila, kung may maghahanap lamang ng serbisyo ni Liza sa Sinagpore, sila ang representative. Hindi nila sinabing si Liza ay gagawin nilang Hollywood star, gaya nung sinabi ng Careless noon ni James Reid.
Ang Wild ay nagma-manage talaga ng mga talents na ayon sa kanilang website ay “ OUR MISSION - To connect Asian-American artists and talent worldwide, with a focus on Southeast Asia, South Korea, and the United States.”
Justin, parang si Sandro
Sino ang may sabing-gaya-gaya lang ang mga Pinoy sa mga Kano?
Tingnan ninyo, nagsimulang nagreklamo si Sandro Muhlach laban sa dalawang baklang independent contractors ng GMA 7 dahil doon ay nagkaroon din ng lakas loob si Gerald Santos at si Enzo Almario na ireklamo rin ang isang baklang musical director noon sa GMA 7 din.
Sinasabi rin ni Enzo na may iba pa raw biktima ang baklang musical director, kinukumbinsi pa lang daw nilang lumantad na rin.
Tahimik lang si Mike Tan pero natatandaan na minsan ay nagrelamo na rin iyan laban sa isang baklang director na dinakma diumano ang kanyang private parts habang siya ay umiidlip sandali sa set ng isang seryeng kanilang ginagawa.
Aywan kung gumaya lang sa Pinoy pero ngayon maski na si Justin Bieber may reklamo nang inabuso siya ng ibang tao noong bata pa siya. At alam naman ninyo sa US tiyak may susunod pa riyan.
Nangyayari naman talaga hindi lang sa Pilipinas ang panghahalay ng mga bakla. Marami nga lang ang nakakalusot dahil ang mga hinahalay naman pumapayag, karamihan ay dahil binabayaran naman sila.
Pero kung iisipin, basta bata doble kaso pa iyon dahil bukod sa molestation, sangkot ka pa sa prostitution.
At hindi lang bakla ang puwedeng kasuhan, maging ang mga babaeng nang-aabuso sa isang lalaki pwede ring kasuhan.
MTRCB malapit nang magka-power sa streaming?!
Diretso na lang daw sa Internet streaming ang pelikulang Dear Satan ni Paolo Contis.
Hindi na sila nag-ambisyong umpela pa sa naging desiyon ng MTRCB dahil siguro naisip nila abala lang at magastos pa, wala ring mangyayari.
Kaya nga sa Intenet streaming na lang sila na hindi sakop ng mandato ng MTRCB.
Pero hanggang kailan, malakas ng ugong ng balita na hindi magtatagal pati ang Internet content ay padaraanin na rin sa MTRCB.
Dapat lang dahil marami namang content diyan na hindi dapat na mapanood lalo na ng mga bata.