Host/actress, ‘di tumalab sa pageant ang pagiging brat

Umiral ang pagi­ging brat ng isang host-actress nang mapabilang na isa sa judges ng isang beauty pageant kasama ang kanyang non-showbiz husband na sikat din sa kanyang mundong kinabibilangan!

Eh kapag beauty pageant, alam din ng aktres na maraming bahagi ang pageant bago tanghalin ang grand winner.

Ayon sa aming source, parang nainip masyado ang aktres sa tagal ng pageant, huh!

Bigla raw niyang tinawag ang orga­nizers ng pageant. Pinamamadali niya raw ang announcement ng winner para makaalis na, huh!

Of course, hindi siya sinunod ng organizers! Itinuluy-tuloy lang ang pa­geant hanggang sa matapos ito at walang nagawa si aktres habang tahimik ang asawa sa ginawa niya!

Geraldine Jennings, ilu­lunsad sa Isla Babuyan

Ipinarinig ng magaling na singer na si Geraldine Jennings ang kantang ginawa ni Ogie Alcasid sa media sa isang mediacon.

Ito ay ang kantang If I Will Ever Love Again na bumagay kay Geraldine.

Nasa bansa ngayon si Geraldine dahil malapit na ring magkaroon ng screening ang movie niyang Isla Babuyan kung saan kapareha niya si Jameson Blake.

Habang nandito, gustong i-enjoy ni Geraldine ang Filipino food na favorite niya at excited siya sa screening ng first movie na inaprubahan ng yumaong manager na si Leo Dominguez ang trailer bago pumanaw.

Show comments