^

Pang Movies

Barbie, sinundan si Richard sa Italy?!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Barbie, sinundan si Richard sa Italy?!
Barbie

Nasa Italy pala si Barbie Imperial at nalaman ito sa pinost niyang photo at sa caption na “Ciao.” May nag-comment pa ng “Barbie in Italy,” kaya nalaman kung nasaan siya.

Curious ang fans niya kung nagkita ba sila ni Richard Gutierrez sa Italy dahil sa isang parte ng Italy nag-shoot ng ilang eksena ang Incognito. Isa sa mga bida sa action series si Richard at kasama rin sa cast si Barbie.

Kabilang sa mga nag-comment sa post ni Barbie si Mond Gutierrez, brother ni Richard, emojis lang with red heart ang comment nito. Pero, sapat na ang comment na ‘yun para matuwa ang shippers nina Richard at Barbie.

Wishing ang fans nila na sa mga susunod na post ng aktres, kasama na niya si Richard.

Siguro naman daw alam ng aktor na pupunta sa Italy si Barbie at nagkita sila at sabay na silang babalik ng Pilipinas.

John at Priscilla, ‘di pa nagkikibuan

Magkasamang nanood ng F1 race sa Singapore sina John Estrada at asawang si Priscilla Meirelles. Pero napansin ng netizens na sa mga lumabas na photos na magkasama sila pero walang larawan na sila ay magkatabi. Tanong ng netizens kung okay na ang mag-asawa after ng controversy na dumating sa buhay nila.

Sa nakita naming photos, ang anak na si Yuan Estrada ang katabi ni John at si Priscilla, kundi nasa dulo ang puwesto ay nasa gitna, malayo kay John. Nakumpara tuloy sila kina Troy Montero at Aubrey Miles na laging magkatabi sa mga larawan.

Sa mga pinost na photos at reels ni Priscilla, wala ring photo ni John at ganu’n din sa reels ni John, wala si Priscilla. Kaya may mga nagtanong na of course, hindi pa nila sinasagot.

Nalungkot ang netizens dito at feeling nila, hindi pa nagkaayos ang mag-asawa. Pero, magkasama sila sa kanilang bahay, siguro naman nag-uusap sila at nagngingitian.

vuukle comment

BARBIE IMPERIAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with