^

Pang Movies

Dokyu ng BINI, ilalabas ang pinagdaanan nilang hirap

Salve V. Asis - Pang-masa
Dokyu ng BINI, ilalabas ang pinagdaanan nilang hirap

MANILA, Philippines — Mapapanood nang libre ang inaabangang docuseries ng BINI sa iWantTFC simula Setyembre 26 (Huwebes)—tampok ang pagbabalik-tanaw sa kanilang mga pinagdaanang sakripisyo bago matunton ang tinatamasang tagumpay bilang Nation’s Girl Group sa first chapter nitong Born to Win.

Ipinrodyus katuwang ang ABS-CBN News at Star Magic, iikot ang dokyuserye sa pagsibol ng BINI sa music scene na may hatid ding exclusive footage sa kanilang kauna-unahang major concert na BINIverse.

Sa ika-una nitong chapter na Born to Win, mas makikilala ng mga manonood ang mga miyembro nitong sina Aiah, Colet, Maloi, Gwen, Stacey, Mikha, Jhoanna, at Sheena bago ang kanilang BINI days.

Dito rin ipapakita ang kanilang mga pinagdaanang hirap para maabot ang kanilang pinapangarap na makagawa ng sarili nilang pangalan sa industriya bilang Nation’s Girl Group na nagbigay-buhay sa kanilang hits na Born to Win, Na Na Na, Lagi-Lagi, Pantropiko, at iba pa.

 Bago ang inaabangan nitong premiere, sinorpresa muna nina Mikha, Colet, Maloi, at Jhoanna ang kanilang minamahal na BLOOMs sa naganap na advance screening nito sa Gateway Cineplex nitong Lunes (Setyembre 23).

Anila, labis ang kanilang pasasalamat sa ipinadama nilang pagmamahal at suporta.

 Balikan ang kanilang pakikipagsapalaran bilang Nation’s Girl Group sa BINI Chapter 1: Born to Win, na mapapanood nang libre at on-demand sa iWantTFC.com at sa official app nito (available sa iOS at Android).

Abangan din ang mga susunod nitong episode na malapit ding ipalabas sa iWantTFC.

Mag-register lang sa iWantTFC.com para makapanood nang libre saan man sa Pinas.

Maalalang may pandemic pa nang ilunsad ang kanilang grupo.

At least ‘to walang bayad sa mga sinehan.

vuukle comment

BINI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with