Accla, binalikan ng aktor na pahada noon

Kumakanta raw ngayon ang isang accla ng hit song ni Gary Valenciano na Babalik Ka Rin!

Kasi naman, bumalik na naman sa kanya ang isang aktor na matagal na niyang dyowa bago pa man ito nadiskubre sa showbiz!

May GF naman ang aktor na taga-showbiz din. Galit-bati nga lang ang kanilang relasyon. Ganun parati ang udate sa kanila ng estado sa tuwing natatanong!

So si accla, hindi insecure sa aktor na kahit may dyowang babae, siya pa rin ang binabalik-balikan at walang reklamo sa kanya si girlfriend, huh!

DongYan, may sino-shoot sa Italy

Tahimik na pumunta pala sa Italy ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera.

May kinalaman ang pagpunta nila sa Italy kaugnay ng make up line na Kiko kung saan si Yan ang endorser.

Balita namin, ipapapasyal din daw ang mag-asawa sa isang fashion week sa Italy.

May endorsement shoot ding gagawin sa Milan si Yan na ibinahagi niya sa Face Book ang isang okasyon kung saan present siya.

Show comments